"I am sorry, Miss Gomez, but do you have another card?"
Gustong magwala ni Monroe sa harap ng counter pero pinigilan niya ang kanyang sarili. She was drooling over the red Valentino shoes and she needed to have it before everyone else does.
Sure, frozen ang assets nila. Pero hindi naman asset ang credit card. Isa itong utang. Bakit pati iyon ay naka-hold din?
"Can—can you try again?" bumulong siya sa kahera para hindi marinig ng ibang namimili sa luxury brand shop ang kanyang pakiusap.
"Ma'am, we tried ten times—"
Uminit agad ang kanyang ulo. Gusto niyang sumigaw pero ang tanging nagawa niya lang ay ang pagtangis ng kanyang mga ngipin. Anytime ay sasakmalin niya ang kahera at ibibitin patiwarik gamit ang mamahaling scarf sa leeg nito.
"Then make it eleven."
"Ma'am, we understand the situation your family is in right now—" Ininangat niya ang palad niya para patigilin ang sales attendant sa pagsasalita. Mariin niyang ipinikit ang mata.
"Kung alam mo, mas lalong alam ko." Umirap siya sa hangin at tiningnan nang masama ang sapatos. "Hindi naman kagandahan 'yan!" Tumalikod na siya at nagmamadaling lumabas ng luxury boutique. Mabilis ang kanyang lakad. She needed to think of ways to be able to get back the kind of life she lost.
Makukulong na ang kanyang ama dahil gumuho ang minahan na pag-aari ng kanilang pamilya at maraming nagdidiin dito para sa mas mabigat na parusa. Kailangan niyang umisip ng mabilis na paraan para mag-survive at masunod pa rin ang luho niya.
Napatingin siya sa gusaling hinintuan ng kanyang mga paa. Napakurap-kurap siya. It was tall with a big letter M emblem in front of the tower. M for Monroe? She laughed at her own thought.
Humakbang siya patungo sa gusali. Hindi niya maunawaan ang pwersang nagtutulak sa kanya. The tower looked inviting. Moderno at labas-masok ang mga pamilyar na mukha sa alta-sociedad.
What's in here?
Ngumiti si Monroe sa guwardiya na pormal na tumango sa kanya at saka siya dumiretso sa reception area na pinupwestuhan ng dalawang naggagandahang babae.
"Welcome to Monasterio Towers. What can I do for you today?"
"Uhm, Monasterio Towers?" She looked stupid for asking, but the surname sounded familiar.
"Yes, Ma'am. Do you have an invitation?"
"Invitation for what?"
"For Temptation Island, Ma'am." Ngumiti ang babae. Napailing siya. She must be living under the rocks. "It is an exclusive island. You either need to be a member or get invited to enter."
Exclusive? Ibig sabihin ay mahal ang membership fee. "How much do I need to spend to become a member?"
"For the basic privilege, it is ten million pesos, Ma'am, renewable every one year. We also have—"
"Okay, thank you." Pinigilan niya ang receptionist sa pagsasabi pa ng susunod na presyo ayon sa pribeliheyo.
Gusto niyang magbigay ng violent reaction pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Sinong gagastos para lamang makapunta sa ekslusibong isla? She really needed to do her research. Napalingon siya sa likuran dahil sa kaunting ingay. Pinanlakihan siya ng mata. A group of people, all high-profile and rich, came out from a room. Mukhang galing ang mga ito sa bakasyon. Artista, politiko at businessmen.
"Are they all members?" she asked.
Ngumiti ang receptionist at saka tipid na tumango.
She needed to mingle with that crowd. She needed to make herself known and available. Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan ang kanyang Daddy. Hihingi siya ng sampung milyon. Baka may naitatago pa ito.
"Papa! Can I have—"
"Monroe, iniwan na tayo ng Mommy at mga kapatid mo. Alam mo ba ito?" Bakas ang lungkot sa boses ng kanyang ama. "They left because they said I cannot provide for them anymore."
"Oh, Papa, can you stop sulking? Hayaan mo sila kung umalis sila." Nakaramdam siya ng matinding awa sa ama pero hindi niya ipinahalata.
"Are you gonna leave me, too?"
"Kahit hindi ako ang paborito mong anak, I will not leave you. I will get you money. I promise," pinal niyang sabi. Nang ibaba niya ang cellphone ay ngumiti siya sa receptionist.
"Give me the requirements. I am interested to be a member of Temptation Island..." Gagawan niya ng paraan ang membership fee. Magtatrabaho siya para makaipon.
BINABASA MO ANG
Temptation Island: Cruel Intentions
General FictionMonroe Gomez is a spoiled princess whose hobby is to shower hate on those she deems lesser beings. When Fate plays a nasty joke on her and ruins her family's wealth, she's left with nothing but a pretty face. Her last shot at redemption? Joining Tem...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte