CHAPTER 17

932K 20.6K 3.7K
                                    

CHAPTER 17

SAKA LANG NAKAHINGA ng maluwang si Inna ng maramdamang umangat ang pribadong eroplano na sinasakyan nila ni Havoc sa ere. Napatingin siya sa labas ng bintana at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Nakatakas na siya kay Monti pero bakit pakiramdam niya ay hindi pa rin siya malaya?

Maybe because she's still married to him. I have to divorce him. Soon.

Napabaling siya sa katabi ng maramdamang may humawak sa kamay niya.

"Hmm?" She hummed at Havoc.

He looked into her eyes. "You okay?"

Tumango siya. "Yes."

Pinisil nito ang kamay niya. "Nandito lang ako, Inna."

Lumamlam ang mga mata niya. "Pasensiya ka na, nadamay ka sa gulo ng buhay ko. I drag you into this mess—"

"In my own volition." Putol ni Havoc sa iba pa niyang sasabihin. "Ginusto ko 'to kaya wala kang kasalanan."

Nagbaba siya ng tingin. "Kahit na..." nakagat niya ang pang-ibabang labi, "I was ashamed to tell you why I married him—no, more like, scared. Baka kasi isipin mong ganun akong klaseng babae, na magpapakasal para lang sa pera."

"Inna..."

Nangilid ang luha sa mga mata niya. "Pinakasalan ko si Monti dahil sa pera. 'Yon ang totoo. Kailangan kasi 'yon ng pamilya ko. Hindi ko sinabi sayo kasi baka isipin mo na peperahan lang din kita. Nahihiya ako na ang babaeng pinapahalagahan mo ay isang mukhang pera."

"Inna!" Havoc exclaimed. "That's not true and you know that!"

"Hindi ba?" Ibinalik niya ang tingin kay Havoc. "Kahit saang anggulo tingnan, pera pa rin ang dahilan kung bakit ako nagpakasal kay Monti. Pera lang. 'Yon lang ang habol ko sa kaniya. Kung nalaman mo 'yan noon, papahalagahan mo pa rin ba ako?"

His face softened. "My Inna, even if you tell me that you only want my money, I will never believe you. I know I'm special to you. I can feel it in your embrace and in your kisses. Hindi ako tanga para hindi ko 'yon maramdaman."

Her heart felt happy. "You believe in me that much?"

"Don't you...believe in me?"

"I do." Mabilis niyang sagot. "I believe in you."

"Good." Pinisil nito ang pisngi niya. "And let's not talk about Monti or your reason in marrying him. Hindi ka mukhang pera. Period."

Matiim siyang napatitig kay Havoc. "Thank you for coming into my rescue."

"Of course." Havoc smiled at her. "You're my Inna. I will always be there for you."

Dinala niya ang kamay nitong hawak niya sa bibig niya at hinalikan iyon habang titig na titig pa rin sa binata.

"I miss you..." bulong niya kay Havoc habang nagkakatitigan sila.

"Me too." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Hindi nga ako makatulog ng maayos sa kakaisip ko sayo."

Umangat ang kamay niya saka hinaplos ang ilalim ng mga mata nito. "You have dark bags under your eyes. You should rest."

"Now that you're by my side, I will."

Napangiti siya saka tinapik ang balikat. "Babantayan kita."

Nangingiting humilig sa balikat niya si Havoc habang magkahawak pa rin ang kamay nilang dalawa. Hinaplos niya ang buhok at pisngi nito habang mahina ang boses na kumakanta hanggang sa naramdaman niya ang malalim nitong paghinga.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon