CHAPTER 26

919K 25.6K 7K
                                    

Happy Reading 😘

CHAPTER 26

"KITTEN, behave, okay?" Pakiusap ni Inna sa anak niya habang nakaupo ito sa pinaka-sulok na mesa ng Restaurant. "Huwag kang maingay tapos huwag magkakalat. Huwag din mag-play dito kasi magagalit ang boss ni Mommy. Lets be thankful that she let you stay here while I work."

Serenity nodded with a small 'meow' sound.

Napangiti siya. "Thank you so much, Kitten. Be nice, okay?"

"Meow." Serenity replied.

Inayos niya ang buhok ng anak saka hinaplos ang pisngi nito. "Sorry dahil sinama kita rito. Busy kasi si Nay La mo e."

"Ice cleam?"

Inna smiled. "Later. Pag tapos na ang work ni Mommy."

"Kay."

Serenity's kay is okay. Excited na siyang makapagsalita ito ng buo at mahaba. Pero kahit naman bulol ito at bilang lang ang salitang lumalabas sa bibig, naiintindihan siya nito.

Pero may nakuha ring ugali si Serenity sa ama nito. May katigasan ang ulo ng anak niya. Kapag gusto nito, gusto nito. Babanggain lahat, gagawin lahat, mangyari lang ang gusto nito.

Serenity is persistent...like her father.

"Ammy? Angry." Anito na mahaba ang nguso at tinatapik-tapik ang tiyan.

"My kitten is hungry?" Hinalikan niya ito sa pisngi. "Sige, dito ka lang. Kukuha si Mommy na makakain mo."

"Meow."

Natawa siya sa sagot nito at naiiling na pumasok ng kusina para magpaluto. Ibabawas naman 'yon sa sahod niya.

Laking pasasalamat talaga niya na pinayagan siya ng Manager na isama ang anak niya. Wala kasi siyang mapag-iiwanan kay Serenity na mapagkakatiwalaan niya.

Nang makalabas siya ng kusina, may dala na siyang pagkain para sa anak at sinubuan ito hanggang sa maubos 'yon. Pagkatapos ay nag-umpisa na siyang magtrabaho.

"Good morning, table for?" Magiliw niyang sabi pero kaagad na natigilan ng makitang si Monti 'yon. "Monti..."

Monti smiled at her. "Table for one."

Tumango siya saka iminuwestra ang kamay sa mesa. "This way, Sir."

Nang makaupo si Monti, kaagad nitong binasa ang menu habang naghihintay naman siya sa order nito.

At nang hindi niya napigilan ang kuryusidad, nagtanong siya. "Still alone?"

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang lalaki saka ngumiti. "Nah. My wife is just busy with her case in California. That's why i'm alone these past few days. Hindi ako pinasama e. Isturbo raw ako sa kaniya."

Napatango-tango siya. "I'm happy for you."

Pinakatitigan siya ni Monti. "Thank you..." tumikhim ito saka huminga ng malalim, "can we talk? Later?"

"Sa break ko." Sagot niya.

"Great." Bumalik ang tingin nito sa menu saka nag-order na.

Mabilis niyang sinulat ang order nito at binigay sa cashier saka ibang customer naman ang inasikaso niya.

Habang nagta-trabaho, panay ang tingin niya sa anak niya. Natutuwa siya at nakinig ito sa kaniya na hindi maging magulo sa Restaurant. Talagang nanatili lang itong nakaupo kahit yamot na yamot na ang mukha.

And as for Monti, he actually patiently waited for her break. Mukhang gusto talaga siya nitong makausap. Kaya naman ng break na niya, nilapitan niya ang anak.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon