CHAPTER 25

830K 20.9K 4.1K
                                    

CHAPTER 25

WHEN Havoc decided to move on, drinking 'till he pass out is not part of that. He's not moving on. He's still rooted in place and in time where Inna left him. Kaya hindi niya magawang pakinggan ang paliwanag nito kahit gustong-gusto niya.

Natatakot siya na madagdagan na naman ang sakit na nararamdaman niya.

Hanggang kailan ba siya magiging ganito? Hanggang kailan ba na palaging alak ang kasama niya?

Bumuga siya ng marahas na hininga saka napatingin sa kawalan. Naalala ulit niya si Inna. Ang napag-usapan nila, kung usapan mang matatawag 'yon.

Fuck!

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak ng upo sa sahig saka umupo sa harap ng study table niya at binuksan ang laptop.

She sent me an e-mail, she said.

Sa dami nang natatanggap niyang e-mail araw-araw, tiyak na natabunan 'yon. At sam ga panahong nagsend ito ng email sa kaniya, siguradong iyon ang panahon na nagha-hallucinate siya na nakikita at naririnig niya ito.

Ang panahong muntik na siyang mawala sa sarili niya.

Nagtagis ang bagang niya habang isa-isang tinitingnan ang sender ng mga emails niya tatlong taon na ang nakakalipas.

He have to search via Date for him to see her email, if she did sent him a message.

Halos dalawang oras ang ginugol niya sa pagbukas ng emails niya na mga tatlong taong gulang na hanggang sa mabuksan niya ang isang email galing kay 'reginadelatore' na nagpakunot sa nuo niya ng mabasa niya.

'Tesoro, help me. Please? I'm in Switzerland right now. I don't know anyone here. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naki-email lang ako sa Pinay na nakasama ko sa park na naawa sakin. Please... i'm scared. I lost my bag and I don't have anything. Hindi ko alam kung paano ako uuwi sayo.'

Below that message is an address.

Hindi alam ni Havoc na nakaawang na pala ang labi niya habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe na 'yon.

Inna... what the hell happened to you?

Naramdaman ni Havoc na tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Parang sasabog ang isip at puso niya sa nabasa.

This message...it was sent six months after Inna left him.

Its been in his inbox for more than two years!

Fuck!

Napasabunot siya sa sariling buhok. "Fuck...fuck...fuck..."

Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha sa wala sa sariling napatayo. "What happened to her?"

Nagmamadaling kinuha niya ang cellphone sa bedside table saka tinawagan si Mr. Kim. "Hi. Can you find out what happen to Inna in Switzerland?" Pagkatapos ay binigay niya rito ang address na binigay sa kaniya ni Inna sa email. "And can you look for this address?"

"Sure." Mr. Kim confidently answered. "I'm actually already running some of my programs to find out what happened. Nahihiwagaan din ako kung bakit hindi ko siya nahanap noon. Maybe because I didn't broaden my search and my attention got sidetracked because my wife just give birth. And I only focus my search here, in the Philippines."

"Thank you, Mr. Kim. Please call me immediately if you have any information regarding Inna."

"I will."

Nang patayin niya ang tawag, napatitig siya ulit sa email na binasa.

Inna was lost and didn't know anyone in Switzerland. At kababalik lang nito ngayon sa Pilipinas galing sa bansang 'yon.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon