Chapter 9

711 20 0
                                    

CHAPTER 9

NAMUMUNGAY na ang mata ni Ric nang pumasok ang lalaking nagpapakulo sa dugo niya. May ka-abresiyete itong babae na sa hula niya ay bago nitong girlfriend. Pero wala siyang pakialam. Agad siyang tumayo at nilapitan ito. Walang sabi-sabing inundayan niya ito ng magkakasunod na suntok pero dahil may kasama ito kaya nakuyog siya. Marami na siyang tama bago pa man sumaklolo ang bouncer. “Gago ka! Wala kang bayag para panagutan ang ginawa mong katarantaduhan kay Charee!”

“Hindi mo ba alam na pwede kang tanggalan ng business permit dahil diyan sa ginawa mo?” singhal sa kanya ng mama niya.

“Gago kasi ang hayop na ‘yon, eh. Ang dami naman kasi ng pwede niyang puntahan, doon pa talaga at ang kapal ng mukha na ipakitang pinalitan na niya agad si Charee. Hayop na ‘yon!”

“Dapat labas ka na sa bagay na ‘yon, Anak. Wala na sa buhay mo si Charee kaya hindi ka na dapat nakikialam sa mga bagay na may kaugnayan sa kanya. Pinalaki ko kayong magkapatid ng maayos pero pag dating kay Charee nagiging tarantado ka na rin.”
“Sorry, ‘Ma.”
“Ito na sana ang huli. Oh, ‘eto ang gamot. Inumin mo para diyan sa sugat mo.” tumalikod na ang ina na bitbit ang first aid kit.

Dalawang araw siyang hindi nakadalaw sa bar dahil sa mga pasa niya sa mukha.

“Ako na ang maglalabas kay Pitzu,” mabilis na kinuha ni Jade ang tali ng Shih Tzu niya na hawak ni Anton. Habang iginagala niya ang Aso ay ramdam niyang may naglalakad sa likuran niya kaya hindi niya napigilan ang sariling lumingon. Si Ric ang nasumpungan ng mga mata niya. Pawisan ang lalaki pero hindi ang macho nitong katawan ang nakatawag pansin sa kanya kundi ang pasa nito sa mukha. “Hi,” ngumiti ang binata nang magpantay ang lakad nila. “Hello. Anong nangyari diyan?” itinuro niya ang ibaba ng mata nito.
“Nakipagsuntunkan,”
“Seryoso?” hindi siya makapaniwala kasi walang-wala naman sa personalidad ni Ric ang pagiging basag-ulo.

“Ang tagal mo nang hindi naliligaw sa bar. Noong nakaraang linggo, nakita ko sa bar ‘yong dalawang babae na palagi mong kasama. “Si Monique at Nicole. Kaibigan ko ang mga ‘yon. Busy lang ako kaya hindi na nakakapaggala sa gabi. At saka umuwi kasi ako sa Probinsya namin.”

“Total, matagal ka ng hindi naliligaw sa Tipsy Owl, ok lang ba kung iimbitahan kita tomorrow night? Bawal kang tumanggi kasi birthday ko ‘iyon.”
“Really? Birthday mo bukas? Ibig sabihin magkasunod lang ang birthday natin?”
“Bakit? Kelan ba ang birthday mo?”
“The day after your birthday. Kaya nga magkasunod lang, eh.” napakamot sa ulo ang lalaki. Siya naman ay napangiti lang sa inasta nito.

“So, tomorrow, ha? Susunduin kita sainyo.”

“Sure. Pero sa birthday ko, ikaw naman ang pupunta sa amin.  Isama mo si Raya.”

“Sure.Thanks,” nilagpasan na siya ng lalaki. Mabagal itong nag jogging at pagdating sa dulo ay nakita niyang bumalik na rin ito hanggang sa tumigil sa kinaroroonan niya at sinabayan nalang siyang mag lakad. “Mahilig ka pala sa Aso.”
“Hindi naman masyado. Regalo lang ito ni Miguel.”
“Boyfriend?”

“Nope. My ex.”
“Mukhang mahal mo pa.” flat na bigkas ni Ric. At ayaw niyang mag assume na may kalakip na lungkot ang pagkakasabi no’n ng lalaki.
“Paano mo nasabi? Hindi ka naman siguro kamag-anak ni Madame Auring.”
“Kasi, alagang-alaga mo pa rin ang isang bagay na galing sa kanya.” sabay tingin ni Ric sa Aso niya.
“Ganoon ba iyon? Siguro Oo, mahal ko pa siya pero ‘yong tipo ng pagmamahal na hindi mo na gugustuhing dugtungan. ‘Yong pagmamahal na hanggang doon nalang at kelangan mo nang kalimutan. Sige, pasok na ako, ha?” turo niya sa gate ng bahay nila.

Tumango lang ang lalaki at bumalik na rin ng lakad pauwi sa bahay nito.
“Iba ang ngiti ng Ate ko, ah. Inlove?” bati sa kanya ni Anton.
“Nakangiti lang, inlove na agad?” pagsusungit niya dito
“Binibiro lang, sinusungitan na agad?! itinaas pa nito ang isang kilay. Gusto niya itong sabunutan sa ka-artehan nito.
Nakita niyang may bitbit na french fries ang kapatid at mukhang bagong luto iyon. HRM student ang kapatid niya at mukhang balak nitong may proceed sa culinary. Ito lang yata ang nagmana sa mama nilang masipag sa kusina. Well, she can cook too, iyon ay kung hindi siya tinatamad. Nasanay na kasi sila simula pagkabata na mama nila ang kumikilos sa kusina.

“Pahingi niyan.” inginuso niya ang
Dala nitong malaking bowl. Hindi siya binigyan ng kapatid, hinayaan siya nitong sumunod hanggang sala.
“Hindi ka makakain nito Ate kung hindi ka mag chi-chika sa ‘kin.”
“Baliw ka! Ano naman kasi ang ichi-chika ko sa ‘yo? Dapat nag Mass Com ka, eh. Mahilig ka kasi sumagap ng tsismis!”

“Sige na, mag kwento ka nalang kasi.”
“Ok, fine! Magku-kwento na ako.”
“’Yan naman pala, eh. Pinatagal pa! So, umpisahan natin sa tanong na- Bakit ka nakangiti kaninang pumasok ka? E, ang alam ko, si Pitzu lang naman ang kasama mong lumabas.” ginawa pang microphone ng kapatid niya ang nakasara nitong kamay at itinapat iyon sa bibig niya.”

“Hindi mo kilala ‘yong bagong nagpapakilig sa akin ngayon. May-ari siya no’ng bar na lagi naming tinatambayan nila Monique at Nicole at nalaman ko rin na dito lang din sila nakatira sa village at kapag umakyat ka sa veranda ay makikita mo iyong roof top nila.”
“Pogi ba itong bagong Prince Charming mo?” mas kinikilig pa sa kanya ang kapatid.
“Makikita mo siya bukas dahil susunduin niya ako dito.”
“Mag de-date na agad kayo? Hindi ba parang sobrang bilis naman?”
“Birthday niya kasi. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko.”

“Okay. Basta ang hinaharap, ingatan ‘yan!” nguso nito sa gitna ng hita niya. Mabilis niyang kinuha ang throw pillow at hinampas ang kapatid.

“Ang balahura mo!”
“Oh, ano na naman ‘yan? Para na naman kayong bumalik sa pagkabata, ah!” sita sa kanila ng mama nila na galing sa taas. Mukhang papunta ito sa kusina.

Bago pa makapagsalita si Anton ay pinandilatan niya ito ng mata. Buti nalang nakuha naman ito sa matalim niyang titig.

Halos hindi siya makatulog nang gabing iyon. Bukas pa ang dinner date nila ni Ric pero ayaw na siyang patulugin ng utak niya dahil sa sobrang excitement. Para siyang nagdadalaga na first time makaranas na i-date ng crush. Wait, crush ko ba talaga si Ric? Tanong niya sa sarili. No! It’s already-LOVE! Sigaw ng puso niya.

Hirap siyang gumising kinabukasan kasi madaling araw na siyang nakatulog kagabi.
Naghihikab pa siya habang pababa ng hagdan. “Himala, tinanghali ka yata nang gising.” puna ng mama niya.

“Madaling araw na kasi ako nakatulog, ‘Ma.”
“Mag-almusal ka muna bago ka maligo.”

You're All I Need (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon