CHAPTER TWO
“Friends.” binigyan nila ng matamis na ngiti ang isa’t-isa.
“Sige ha, uuwi na ako.” paalam niya sa babae. Hindi na siya nagpahatid dahil ang lapit-lapit naman ng bahay nila.
“O, tapos ka na bang mag drama do'n sa mga kaibigan mong alak at umuwi ka na?” salubong na tanong sa kanya ng mama Minerva niya. “Ma, ‘di ba dapat ang tanong mo ay kung saan ba ako nanggaling- kung okay ba ako,”
“Naku, ba’t ko pa itatanong kung okay ka? Eh, halata namang hindi ‘di ba? Pumunta ka na sa kusina, nakatakip ang pagkain do’n. At saka ayusin mo ‘yang sarili mo. Nagkakaganyan ka dahil doon sa ex mo e, ang pangit naman no’n! hindi niya deserve na iyakan ng babaeng kasing-ganda mo.” gusto niyang humalakhak sa tinuran ng mama niya. Ang bilis nitong magbago. Samantalang dati kung makapuri ito sa dating kasintahan niyang si Miguel ay akala mo ang lalaki na ang pinakagwapo sa mundo.
“Kumain na ho ako.”
“Sa Tipsy Owl ka na naman galing.”
“Ma, ba’t alam mo iyon?” nanlalaki ang matang tanong niya sa ina.
“Malamang! Pinahanap kita kagabi sa iyong ama.”
“Nakita ako ni Papa sa bar?! Ma, naman!” halos manginig siya sa nalaman buhat sa ina.
“Kaya ihanda mo na ‘yang tenga mo mamaya sa sermon ng ama mo.”“Ma, naman, dapat kasi pinagtakpan mo naman ako kay Papa.”
“Ilang beses na kitang pinagtakpan, Antonia! Ang gusto kong mangyari, mag tino ka na! Simula no’ng maging boyfriend mo iyong animal na si- ay! Hindi ko na nga pala dapat binabanggit ang pangalan no’ng lalaking ‘yon. Ang gusto kong sabihin, simula nang maging kasintahan mo iyon ay natuto ka ng gumala. Natuto ka nang mag lihim sa amin ng iyong ama.“Ma, ‘di ba nga break na kami ni Miguel. Kaya h’wag na natin siyang pag-usapan.”
“Paanong h’wag natin siyang pag-usapan? E, siya ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka.”
“Ma, lilipas din ‘to.”
“Aba, dapat lang! Ilang buwan na kayong break pero ganyan ka pa rin.” tumalikod ang mama niya at ikinuha siya ng plato.
“Kumain ka ulit. Sayang ang effort ng papa mo kung hindi mo kakainin ang iniluto niyang almusal.”Ang mama niya pa ang nag lagay ng pagkain sa plato niya. Naamoy niya ang butter at bawang sa sinangag kaya hindi maiwasang matakam siya. May pritong Tocino at Itlog din siyang nakita sa lamesa.
“Sigurado po ba kayong hindi nilagyan ni Papa ng lason ‘to?” seryosong tanong niya sa mama niya.“Kainin mo nalang para malaman mo.” pasupladang sagot ng mama Minerva niya. Ang weird talaga ng ugali ng nanay niya.
“Ang sabi ng iyong ama, h’wag ka raw munang pumasok kung hindi ka pa okay.”
“Okay na ako, Ma. Kaya papasok ho ako mamaya. Nakakahiya naman doon sa staff ni Papa kung aakuin na naman nila ang trabaho ko.”
“O siya, ikaw ang bahala.” tinapunan lang siya nito ng tingin. Mabilis itong lumayo sa kanya at mayamaya ay napansin niyang may kausap ito sa telepono.Pagkatapos kumain ni Jade ay umakyat na siya sa kwarto niya at nag handa nang umidlip pero saglit na sumagi sa isip niya ang lalaking nagmamay-ari ng The Tipsy Owl Bar and Café. Naalala niya pang pinagtsi-tsismisan ng mga kaibigan niya ang may-ari noon. Gwapo raw kasi ang lalaki pero hindi pa nila nakitang ngumiti ito. Sabi nga ni Monique, isa sa mga kaibigan niya ay para daw itong ipinaglihi sa sama ng loob o kaya naman ay baka menopausal baby daw.
Pinagtawanan lang niya ang komento ng mga kaibigan. Dahil broken-hearted siya kaya hindi niya binigyang-pansin ang hitsura ng lalaki pero bakit ngayon ay tuksong lumilitaw ang mukha nito sa isipan niya?
Kabado si Jade habang papalapit sa Meat Shop nila. Siya ang tumatayong Manager doon. Kinakabahan siya kasi alam niyang nasa loob ang papa niya sa ganitong araw. Kelangan na niya yatang magdasal para ihanda ang sarili sa sermon ng ama niya. Bahagyang umingit ang glass door ng Shop nang hilahin niya iyon. Hinanap ng mga mata niya ang ama.
“Si Papa, Sabel?” tanong niya sa isa nilang Staff. “Nasa loob, ‘Te.” dumeretso na siya sa maliit na opisina ng Shop nila.“Hi ‘Pa,” nagmano siya sa ama pero nanatili siyang nakatayo; hinihintay ang sermon ng ama pero nagtaka siya nang mapansin na nakatutok pa rin ito sa screen ng computer.
“ Pa, hindi mo ba ako sesermonan?”
“Bakit? May ginawa ka bang kasalanan para sermonan kita?”
“Eh, ang sabi kasi ni Mama-”
“Hindi ka na nasanay sa mama mo na over acting kung minsan.”
“Sorry ‘Pa.” matamang tumitig sa kanya ang ama.“Simula’t-simula palang hindi ko na kayo hinigpitang magkakapatid kasi malaki ang tiwala ko sainyo. Pero h’wang mong kalilimutan na papa mo ako kaya natural lang sa akin ang mag-alala. Alam kong alam mo ‘yong limitasyon mo ‘di ba?”
“Yes, ‘Pa.”
“Kung gagawa ka man ng mga bagay na ikakasira ng pangalan mo ay siguraduhin mo lang na kaya mong ayusin at panindigan. O, ikaw na ang magpatuloy nito. Pupunta pa ako sa kabila.” ang isa nilang branch sa San Andres ang tinutukoy ng ama. Sobrang swerte nilang magkapatid na may maunawain silang tatay.
“Mag-iingat po kayo.”
“Anyway, may order si Mrs. De Jesus na dalawang pata. Kukunin daw after lunch. Ipaalala mo kay Sabel o kaya kay Lino.”“Sige, ‘Pa.” ‘yong iba kasi nilang customer ay sa personal nilang number kumo-contact kapag may order lalo na kung kaibigan iyon ng pamilya nila. Pero mukhang ngayon lang niya narinig ang binanggit na pangalan ng papa niya.
Pagkaalis ng ama ay ipinagpatuloy na niya ang naiwang trabaho nito.Bandang alas tres nang hapon nang may pumasok sa shop nila na pamilyar sa kanya kaya bigla siyang napatitig dito. Napasinghap siya nang mamukhaan kung sino iyon.
“Hi, ‘di ba ikaw ‘yong may-ari ng Tipsy Owl?” siya na ang lumapit sa lalaki.
“Yes, ako nga at ikaw ‘yong nakatulog doon noong nakaraang gabi dahil sa kalasingan, tama ba?” nahihiya siyang tumango dito.
“Thank you nga pala.”
“Wala ‘yon. Alangan naman iwanan kita ng mag isa do’n. By the way, I’m Ric De Jesus.” paano niya ba iiwasan ang babae kung ngiti pa lang nito ay hinahatak na siya palapit dito.
“Jade Lee,” nag daiti ang mga balat nila sa kamay at hindi malaman ni Jade ang kakaibang init na hatid ng balat ng lalaki.“Basta, salamat talaga.”
“So, you work here?” tanong ng lalaki na inilibot ang paningin.
“Actually, my family owns this.”
“Really? Akala ko kasi kamag-anak ka lang ng mag-ari nito. Alam mo bang dito talaga bumibili ang mama ko ng fresh meat. In fact, I’m here to pick-up my Mom’s order.”“You mean, mama mo ‘yong nag order ng dalawang pata?”
“Yeah,” matipid na tugon ng lalaki sa kanya. Kahit naka ordinaryong suot lang ang lalaki ay hindi nabawasan ang taglay nitong kagwapohan. Maniniwala na siya sa mga kaibigan niyang gwapo nga ang lalaki.“’Lika, kunin natin ‘yong order mo.” matapos na itanong kay Lino kung saan nakalagay ang order ng lalaki ay tinungo niya iyon. Ang lalaki naman ay nakita niyang pumunta sa counter para magbayad. Matapos ibalot ang pata ng baboy ay inabot na niya iyon sa lalaki.
“Thank you, ha?”
“Thank you rin. Paano, kelangan ko nang umuwi.”Kumaway siya sa lalaki na pasakay na sa Toyota Innova nito.
“Ang gwapo!” nagulat pa siya na nasa likuran niya na pala si Sabel. Kinikilig ang babae habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng lalaki.“Magkakilala pala kayo, Ate?”
“Oo. Siya kasi ang may ari noong bar na tinatambayan namin nila Monique at Nicole.
“Alam mo bang matagal na iyon bumibili dito? Kaya kilala na ‘yon ng papa mo at ang alam ko ay magkaibigan ang mama no’n at ng mama mo.”
“Ah, gano’n ba?” tumango naman si Sabel at nag paalam ng may aayusin pa ito.Kanina pa pinipisil ni Ric ang sariling kamay. He was imagining that he’s still holding Jade’s hand. Naaalala niya pang sobrang lambot ng kamay ng dalaga.
“Napapansin kong kakaiba ang ngiti mo simula nang pumasok ka ng bahay,”
Hindi alam ni Ric kung ano ang isasagot sa ina. Alangan namang sabihin niya agad dito na masaya siya dahil may bagong siyang nakilala. At babae iyon.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (TO BE PUBLISHED)
RomantizmSimula nang iuwi ni Ric sa bahay nila ang nakatulog na customer sa Bar niya ay kaagad niyang nakalimutan na broken-hearted siya dahil isang titig lang niya sa babae ay mabilis na agad na tumibok ang puso niya. Ipinangako niya sa sarili na hindi na m...