Masaya ba ako?

57 3 0
                                    

Masaya ako pero bakit di ako sigurado?
Masaya ako pero bakit di ako nakakasiguro.
Masaya ba talaga ako ?
Kaya kung humalakhak ng todo pero bakit parang hindi totoo.
Parang ... pinipilit ko .

Kaya kung ipakita sa iba na masaya ako, kaya kung sabihin na okay ako.
Pero ang diko kayang gawin ay ang linlangin ang sarili ko na okay ako , na masaya ako kahit hindi totoo.
Kahit anong sabi ko na okay ako parang niloloko ko lang ang sarili ko.

Alam mo iyong salitang "kaya KO... Kinakaya ko dahil gusto kung maging masaya ako lalo na sa mga bagay na gusto ko !
Pero diko namalayan ang sakit na pala dito (💔PUSO) at aking napagtanto nalulungkot na pala ako."

Naging masaya ba talaga ako?
Isang tanong na pilit kung kinukumbinsi ang sarili ko na OO kahit pagod na ako. 😢😥

Napapagod na ako pero tumatawa pa rin ako kahit di na kaya ng katawan ko pero pinipilit ko dahil alam kung magiging okay rin ako .
Di man ngayon baka bukas kundi sa mga araw na diko namalayan tumatawa na pala ako at iyon ay walang halong biro kundi TOTOO. 😊

TULA 💓💔💕💖💗💘💝💟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon