Like We Used To

436 19 4
                                    

First story ko. One shot lang muna. Tapos kung ano man e tingnan natin kung san ako dadalhin netoh. Give your comments, criticisms or whatever. Pero sana magustuhan niyo. First time so pagbigyan niyo. :)

Dedicate ko kay Ms. Jade. Kasi siya favorite author ko. Tsaka sa sobrang pagkahanga ko sa knya. Un na un. Sana magustuhan niya. :)

Paki play po yung link.

Like We Used To

"Akala ko ba gusto mo akong bumalik? Nanghingi ka nga ng last chance dba? I've sacrificed and let go of him kasi sabi mo mahal mo pa ako. Kasi sabi mo baka pede pa? Lumayo ako para makalimutan na natin ang isa't isa pero pagkabalik ko, pinilit mo parin akong mapasayo. Ngayong bumalik ako, ikaw naman tong may bago. Ano to, lokohan? Hindi ako laruan Luis, na kapag gusto mong gamitin ulit babalikan mo lang kung saan mo iniwan. Tapos kapag ayaw mo na at nakahanap ka na ng bago tsaka mo iiwan ulit."

Yan ang nasabi ko ke Luis noong ayaw na niya sa relasyon namin. Isang taon, dalawang buwan at pitong araw din kaming naging magkarelasyon. Yung mga panahon na yun ay puno ng pagmamahalan, saya, awayan at tampuhan. Masaya ako sa kanya pero dumating sa punto na alam kong hindi na tama.

Hindi na ako ganun kasaya sa kanya. Hindi ko alam pero meron akong hinahanap na wala sa knya. Malamang may mga taong hindi makakaintindi sakin. Pero may kulang talaga.

Dumating ang araw na nagbakasyon ako sa ibang bansa kasama ng pamilya ko. Meron akong nakilala at nagustuhan ko siya. Sinubukan namin kung magwowork yung samin. Pero it turned out na meron siyang mas mahal na iba.

Sa mga panahon na yun, sinubukan kong umiwas kay Luis. Pero mahal ko parin talaga siya. Kahit anogn subok kong hindi magtext o tumawag sa kanya, dumadating yung araw na tinatawagan at tinetext ko parin siya.

Pagkatapos ng isang buwan ng bakasyon, bumalik ako kung saan ko naiwan ang puso ko. Sinubukan naming magusap ni Luis. Noong una, ayoko na talaga.

"Cess, mahal parin kita. Bumalik ka na sakin please?" Yan ang paulit ulit na sinasabi sakin ni Luis nung bumalik ako.

Lumipas ang ilang linggo, napagisipan kong mahal ko parin pala siya. Pero huli na pala ang lahat. Nakakita na siya ng babae na makakapagpahalaga sa kanya ng higit sakin.

Lumipas pa ang ilang linggo, bumalik kami ng university. Magkaklase kami ni Luis sa halos lahat ng subjects. Nakakailang. Ang sakit sakit na nakikita yung taong dati ay hawak hawak mo ang kamay pero ngayon hanggang tingin ka nalang.

Binaling ko ang atensyon ko sa mga bago kong kaibigan. Simula kasi nung naging kami ni Luis, nawalan na ako ng kaibigan. Marami kaming kilala pero hindi naman namin laging nakakasama o nakakausap. Masyado naming pinaikot ang mga mundo namin sa isa't isa.

Hangga't dumating sa punto na merong isang bagong kaibigan na nakinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay. Si Chris. Noong una ay parang gusto niya lang malaman kung anong nangyayari samin ni Luis. Matagal na din namin siyang kilala. Pero hindi kami nagkakausap.

Si Chris, matagal ko na siyang kilala. Simula palang nung first year college kilala ko na siya. Pero hanggang "Hi/Hello" lang kami. Naging crush ko siya noon. Kasi gwapo siya. Magaling siyang magvolleyball at magbasketball.

Hindi ko inakala na magiging close kami. Lagi na kaming magkausap simula noong nakipaghiwalay si Luis sakin. Nakikinig lang siya sakin kapag gusto kong magkwento. Kinocomfort ako kapag umiiyak ako. At pinapangiti ako pagmalungkot ako.

Hindi nagtagal, nahulog loob ko sa kanya. Ang gaan kasing kasama. Lagi akong napapangiti kapag kausap ko siya. Lagi akong tumatawa kapag kasama ko siya.

Napansin ni Luis na nahuhulog na ang loob ko kay Chris. Kahit kasi nasa classroom kami at magkatabi kami ni Luis eh katext ko si Chris. Lagi akong napapangiti sa klase dahil naaalala ko yung mga napaguusapan namin.

Hanggang isang araw kinausap ako ni Chris. "Cess, napapansin ko ang saya mo ah." At ngumiti siya ng parang pilit. "Oo nga eh" Sabi ko. "Hindi ko akalaing magiging masaya pa ako" dagdag ko.

Masasabi kong nakarecover na ako sa heartbreak ko kay Luis. "Dahil ba sa kanya kaya kanapapangiti?" Sabi ni Luis.

Bakas sa kanyang mga mata na parang nasasaktan siya. Kilalang kilala ko si Luis. Alam ko kung kelan siya masaya at nasasaktan. At sa tingin niyang yun, alam kong nasasaktan siya. Marahil mahal na nga niya yung bago niya pero alam kong may parte sa kanya na mahal parin ako.

Nginitian ko nalang siya tanda ng pagsang ayon ko sa tanong niya. Lalong naging masakit yung tingin niya. Nilagay niya yung isang earphone sa may tenga ko at pinarinig niya sakin.

Ang sakit ng bawat lyrics nung kanta. Kahit papano pala nasasaktan parin ako sa knya. Natuto lang akong maging manhid dahil araw araw ko siyang nakikita.

Will he love you like I loved you?

Siguro mas higit pa, Luis.

Will he tell you everyday?

Oo, araw araw niyang sinasabi na mahal niya ako.

Will he make you feel like you're invincible

With every word he'll say?

Alam kong masasaktan ako, pero alam ko ring hindi niya sadya yun.

Can you promise me if this was right?

Don't throw it all away

Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na magmamahal ako muli at mararanasang mahalin akong muli.

Can you do all these things?

Will you do all these things

Like we used to?

Hindi siguro. Dahil alam kong mas mahihigitan pa namin lahat ng nagawa natin.

Nang matapos ang kanta, isang malungkot na ngiti ang binigay ko kay Luis at sinabing, "Oo Luis, mahal ko na siya. At alam kong mas sasaya ako sa knya."

Lumabas ako ng classroom ng nangingilangid na luha sa mata. Pagkalabas ko, nakita ko si Chris nakangiti sakin. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo at sinabing "I love you."

Nilingon ko si Luis sa huling pagkakataon bakas ang sakit sa kanyang mga mata at bago ko alisin ang mga mata ko I mouthed the words that I never thought I will say to him...

"Goodbye Luis. I hope that you'll find your happiness as well. Thank you."

Like We Used ToTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon