Chapter Five

1.5K 24 0
                                    

C H E L O

                 Kinuha ko ng mabilis ang panyo sa bulsa ng pantalon ko, pinunasan ang namumuong pawis sa noo patungong pisngi. Marahan kong kinamot ang nangangati ko ding ilong. I gasped with irritation.

Nililinis ko lang naman ang nakatambak na papeles dito sa vacant room na tabi ng office ko. Kainis nga eh. Parang sisipunin pa ako dahil sa mga alikabok na nakatipon sa bawat gilid ng mga papel.

Maingat kong inangat ang bawat papel na napaka-kapal. Mabuti na lang at may tali na ito kaya hindi na ako mahirapan. Nilapag ko sila sa bakanteng area atsaka pinunasan ang kinalalagyan nila kanina.

I heard my phone vibrated. Mas lalong uminit ang ulo ko.

Kainis naman oh! Kitang may ginagawa ako eh.

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa isang mesa at kinailangan ko pang tumayo para makuha lang iyon. Sinagot ko ang kung sino mang tumawag. Mapapatay ko talaga to if hindi naman importante ang tawag niya.

"Hello?" I answered, lukot na lukot ang mukha dahil sa inis.

"Proceed at my office."

"Si..sir kayo pala, ano kasi may ginagawa--"

He cut me off.

"Immediately." At namatay ang tawag.

Mas dumagdag ang init ng ulo ko nang marinig ang utos niya. Pagod na ako at kailangan ko pang umakyat sa kaniyang penthouse para lang makapunta sa opisina niya.

Pero wala na akong magawa.  Boss ko siya at empleyado niya lang ako, kailangan ko siyang sundin at baka mapaaga ang pag-alis ko.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at umalis na. Ni-lock ko muna ang glass door atsaka dumiretso sa office ko. Syempre kailangan ko munang ayusin ang sarili ko atsaka kukunin ko din doon ang schedule book ni Alton.

After kong ayusin ang sarili at kunin ang schedule book sa locker room dito sa office ko, nagmamadali akong pumunta kay Alton dahil baka ano pa ang masabi niya sa'kin.

Nasa labas pa lang ako ng glass door, kitang-kita ko na ang nangyayari sa loob.Tch! Sabi na eh! May masamang hangin na naman na nagdala sa kanya dito.

I composed myself before I open the door. Syempre chin up akong naglakad papunta kay Alton. Walang pasabing nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang schedule book niya atsaka nagcrossed arms.

Taas-kilay kong tinignan si Natasha. Yeah andito na naman siya para bwesitin ang araw ko. Hindi ko nga alam kung bakit inis na inis ako sa kanya eh wala naman siyang masamang ginawa sakin.

"You're 8 minutes late Chelo." Sino pa ba, edi si Alton.

I just rolled my eyeballs. Sino ba naman ang hindi malate eh naglinis ako ng isang katambak na papeles.

Hindi na lang ako sumagot at umupo sa visitor's chair na katapat ni Natasha na pansin ko lang ay tahimik na nakaupo.

"Cancel my schedule for today, Miss Salmonte." ani Alton atsaka tinignan ako.

"But you have an important meeting with--"

"I said cancel it."

Nangunot ang noo ko, at unti-unting lumukot ang mukha. Ikalawang beses na niyang pinutol ang dapat kong sabihin. Nananadya ba to?

I sighed and nodded before glancing at my scheduled book.

"How about having a lunch today? What do you think?" Alton asked.

My Possessive Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon