Chapter Six

1.3K 25 0
                                    

C H E L O

                Nandito ako ngayon sa bahay at nakaupo sa sofa. Kaharap ko sina Mom and Dad tapos katabi ko naman si Ate. Ewan ko nga ba at dumating sila ng biglaan. Noong nakarating na kasi ako kanina sa cafe para hintayin si Alton, nagtext bigla si ate na dadating daw sila. Syempre dahil namiss ko sila, hinintay ko lang sandali si Alton atsaka nagpaalam na umuwi. Naintindihan naman niya kaya pumayag rin siya.

Kinuha ko kaagad ang juice na kalalagay lang ng isa sa mga katulong nina Mom. Galing kasi sila sa States for vacation, hindi manlang ako sinama.

"Focus for now, Chelo," bulong sa akin ni Ate.

Imbes na iinumin ko na sana ang juice ay pasimple ko nalang na binalik sa round table.

"How's the vacation po?" pagsisimula ko.

"Better than we expected. We came back here because of the sudden news that we'd received." Dad

Bigla naman akong kinabahan. Tinignan ko si Mom at malungkot lang din ang mukha niya. What the heck was happening?

"I'm sorry nak but we need to do what's right." My mom whispered and tried to held my left hand but I fastly took away from her.

Naguguluhan akong tinignan sila. Anong ibig sabihin nila?

Binalingan ko ng tingin si Ate. Pero imbes na salubungin ang tingin ko, yumuko lang sya at pinagdikit ang dalawa niyang palad atsaka itinanday iyon sa tuhod niya.

"What do you mean Mom?.." tinignan ko siya.. "..Dad.."

"Sorry anak."

Wala na ba silang kayang sabihin kundi ang sorry lang? Hello! Wala akong kaide-ideya kung ano ang gusto nilang ipahiwatig sa akin. Alam niyo yung batang pinagkaitan ng karapatang malaman kung paano maglaro? Ganun! Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

**

Mabibigat ang mga hakbang ko patungo kay Alton. Pero mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon. Para akong itanali sa isang poste na kahit ano mang piglas ko ay hinding hindi na ako makakawala.

Pwede pa akong umatras hindi ba? Pero hindi ko maggawa. Kalahating parte ng utak ko ay iyon ang sinasabi, na pwede kong takasan ang responsibilidad. Pero parang pinipiga ang puso ko habang iniisip ko iyon. Kasi para ko na ring trinaydor ang pamilya ko.

Dahil glass ang pinto, kitang-kita ko si Alton kung gaano siya ka-busy. Kunot na kunot ang noo at nakasuot ng eyeglasses. Nagstay pa ako sa labas ng ilang sandali, suliting ang natitirang oras ko dito upang sauluhin ang mukha kahit alam ko naman ang ayos nito. Ang maliit niyang nunal sa gilid ng mata, matangos na ilong at manipis na labi.

I let out a sigh before pushing the glass door. Todo ingat ako upang hindi siya maistorbo at mukhang nagtagumpay naman ako dahil kahit nasa harap na niya ako, mukhang hindi niya pa rin pansin ang presensya ko. Kahit nga kausap ko na siya at ako ang kasama niya, hindi niya ako maggawang pansinin. Para akong hangin na ihip nang ihip sa isang batong bahay pero hindi pa rin ito natitinag kahit ang lakas na ng presensya ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumuikhim. Mukhang narinig niya kaya inangat niya ang kanyang ulo.

"Okay lang po ba kayo?" nag-aalala kong tanong.

Ang laki kasi ng eyebags tapos nadagdagan ang pagkasingkit ng mata niya dahil na rin siguro sa antok.

Tinignan niya lang ako atsaka binalik ang tingin sa mga papers.

My Possessive Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon