SMM - 5

0 0 0
                                    

Chapter 5:

Mikaela's POV

Isang linggo ang nakalipas simula ng bumalik si En, at Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Gino.

Naguguluhan ako sa kanya, Bakit nya ba kailangang lumayo? Porke't hindi ako sumagot noon sa tanong nyang yon iniwasan nya na ako? Ang babaw naman nya.

"Miks"

"Oh?"

"Naka-simangot ka na naman dyan. Kumain ka na kase" Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria para kumain ng lunch

"Tss. Panget mo kase"

"Gwapo ko kaya."

"Mas gwapo naman yung boyfriend ko"

"Mas gwapo ako doon. Tss." Kahit mas gwapo ka sa kanya.. Mahal naman ako non..

Kinuha nya yung kutsara tas nilagyan nya ng lasagna "Say ahh" hindi ko pinansin yon. Dun napako yung mata ko kay Gino.. Nakatingin lang sya sa akin. Kita sa mata nya na sobra na syang nasasaktan.

Sorry Gino, Ikaw na nga lang ang tumanggap sa akin noon tapos ganito pa ang igaganti ko sayo. Konting sandali na lang magiging masaya ka na at ako rin magiging masaya na kung ano man ang piliin ko..

"Miks" tumingin ako sa kanya

"Ano?"

"Namiss kita, Alam mo bang araw araw kitang iniisip noon? Tinatanong ko sa sarili ko na 'Iniintay nya kaya ako? O baka naman may mahal na sya?' Ngayon.. Nasagot na lahat ng gumugulo sa isip ko noon. Na hindi mo na ako hinihintay, at kasalukuyan ka ng may mahal ng iba" Ngayon ko lang syang nakitang umiyak. Naaawa ako sa kanya. Hinihintay nya pala ako pero anong ginawa ko? Tumingin ako sa iba. Siguro kung wala si Gino kaming dalawa na ngayon. Kaya lang may nakaharang e, Si Gino yung taong yon. Yung taong nakaharang. Siguro ngayong araw na to kailangan ko ng pumili sa kanilang dalawa

Si En ba na hindi tumingin sa iba? At hinintay ako ng matagal

O

Si Gino na minahal ako kung sino at ano ako.

Sana pag pumili na ako sa kanilang dalawa.... Sana maging masaya ako..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon