SMM - 4

3 0 0
                                    

Chapter 4:

Mikaela's POV

"Sya si En ang lalaking naghintay sa akin ng matagal"

"Tapos ako hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabi?"

"Akala ko kase hindi na sya babalik..."

"Kung papapiliin ka, Siya ba o ako?"

Ayan ang ayaw ko e, Yang pinagpipilian.

"De, Wag ka ng magsalita alam ko na naman ang sagot mo" Lumakad sya palayo sa akin.

Bakit ka pa kase dumating sa buhay ko En? Alam mo bang ginulo mo ang utak at puso ko?

Gerald Antonio's POV

"Kung papapiliin ka, Siya ba o ako?" Paano pag sya ang pinili nya? Masasaktan lang ako pag nalaman ko ang sagot nya. Mas mabuti nalang siguro kung wag nya na lang sagutin yung tanong ko para walang masaktan..

"De, Wag ka ng magsalita alam ko na naman ang sagot mo" Lumakad ako palayo sa kanya.

Siguro kailangan ko munang lumayo sa kanya para pag handa na akong malaman kung sino ang pipiliin nya hindi ako masyadong masasaktan...

Pero sa pinakita nya kanina. Parang mas matimbang yung En na yon kase sa akin. Kahit alam nyang boyfriend nya ako hindi nya man lang sinabi na ako ang pinili nya.

Masakit yon sobra, Mahirap bang sabihing 'Ikaw gino, ikaw ang pipiliin ko' pero hindi e. Tangnang buhay to. Lahat na lang ba ng minamahal ko kinukuha nila? Si Mikaela na nga lang ang meron ako tas kukunin pa nila? Hindi ba sila naaawa sa akin? Hindi ba nila alam na nasasaktan rin ako? Tao rin ako.. Nasasaktan, Porke't hindi nila ako nakikitang umiiyak ibig sabihin ba non malakas ako? May tinatago din akong kahinaan..

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon