Martina's POV
Hindi na kami lumipat ng room sa ngayon. Pero may ibang kailangan lumipat lalo na 'yong sa Science kase nasa Lab kami. Sa P.E kasi nasa Gym kami. Mga ganon!
Last subject namin 'to. (T.L.E.) Wala namang ibang ginawa kanina kundi ang magpakilala. Na nakakabanas!
Tinamad na nga ako nung 2nd subject palang. Kaya pangalan ko lang talaga ang sinasabi ko.
Nagbubulungan na naman ang mga timang. Rinig ko eh!
"May bagong teacher daw?"
"Oo. Siya rin yong subject teacher natin dito sa last."
"Masungit daw?"
"Hindi. May pagkajoker daw. Parang clown nga daw eh! I mean.. Literal na mukhang clown!"
Clown?
"WHAAAT?!" Nagugulat na tanong ng mga nagkukumpulang Timang.
"Oo! Joker daw p-pero.. Ang creepy daw ng ibang joke."
"OMG!"
"WAAAAAH!"
"SHIT!"
"Ano?! Yung Dakilang Weirdo palang nga nakakatakot na tapos dadadag pa yang--"
"Clown? Waaah! Nakakatakot yon diba?!"
Talaga lang ha?
Hindi na nagtagal at may pumasok na lalaking nakangisi? sa classroom namin.
(-_-?)
Kung susuriin ang kabuoan niya. Hindi pa naman siya matanda. Siguro nasa 30's ang edad niya.
"Goood Afteeeernoooon.. CHILDREN!!! HEHEHEHE!"
Nakangisi siya at sobrang energy na kumaway-kaway pa.
(-_-?)
Mukha siyang Engot."G-Good Afternoon Sir!" -Sila
Nakakatamad sumabay.
Nakatayo siya sa gitna. Nakangisi siya ng sobrang lapad!At Children?! Waw.
Nagugulat at di maipinta mga mukha netong mga kasama ko sa silid! Kinikilabutan ba 'tong mga 'to o ano?!
May nakakakilabot ba don? NAKAKABWISIT 'KAMO.
Yung boses niyang parang nagwiwave. Tipong pang demonyo. Tawa niyang dumadagungdong. Tapos biglang bulong.. Pang saltik! Mga ganon.
"Eheem..Paumahin. Nalate ako ng ilang minuto dahil may bata lang akong tinuruan ng leksyon sa kabilang section. Masyado kasi siyang..
AHAHAHAHAHAH!" At tumawa siya na parang wala ng bukas.
"Nakakatuwa yung batang yon! Sa sobrang tuwa ko muntik ko na siyang masampal! AHAHAHAHAHAH!"