Chapter 23

22 6 0
                                    

Chapter 23

Welcome America

It's so hot today. Dinagdagan pa ng mga maiingay na mga tao. Hindi ba nila kayang tumahimik kahit man lang saglit? Nakakainis. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

Naglakad na ako ng makitang umusod na ang pila. Ang dami talagang papunta ng iba't ibang bansa. Lalo na't tapos na ang school days. Why would I be happy, anyway? Kung ganito lang ang mararanasan ko. Edi sana sumama nalang kami kay Ethan sa helicopter! Siguro naman ay kasya kami roon.

"I'm thirsty." Nakanguso kong sabi kay Clarrant. Na ngayon ay nagpapaypay. Kumunot ang noo niya at sumimangot siya.

"Balak mo ba akong pabilihin pa ng tubig sa labas ng airport? Or sa may Food Court? Nasa loob na tayo ng line, Karyll. Baka hindi na ako papapasukin, pag nangyari iyon." Sabi niya sabay paypay niya sa'kin. Pinagpapawisan na ako ng sobra.

"Ako, may binili akong tubig kanina. Kaunti pa lang naman ang nainom ko. Kaya medyo marami pa. Oh." Sabi ni Koko sabay bigay sa'kin ng bottle na may lamang cold water at parang hindi pa nabawasan.

Seriously? Ano bang inom ang ginagawa niya? Bakit ganyan kaunti ang bawas? Nahihiya tuloy akong uminom dahil para sa kanya iyon.

Kaya bago pa ako patayin ng konsensya ko. Binalik ko sa kanya ito, at umiling.

Bahagyang napakunot ang noo nilang dalawa habang si Blaster naman ay nakangising aso lang.

"'Wag na lang pala. Salamat na lang. Para sa'yo 'yan. Bibili na lang ako ng akin. Save niyo ako ng spot ah!" Sabi ko at akmang tatakbo palabas ng line ng hinawakan ni Clarrant ang kanang braso ko. Napakunot ang noo ko at hinawi iyon. Ngunit ayaw niyang magpatalo.

Biglang tumalim ang kanyang mga tingin. At para bang sinasabi na maliligaw ako pag-umalis ako sa line.

"Hindi pwede! 'Wag ka ng maarte, Karyll. 'Wag ka ng umalis. Inumin mo na yang tubig na inalok sa'yo ni Koko. Dahil ako yung mahihirapan pag hindi ka nakainom." Sabi niya sa isang mariing tono. Malakas ang pagkakabigkas niya. Dahil maiingay ang mga tao dito. At alam kong kami-kami lang ang makakarinig nito.

"Okay, fine. Nahihiya lang naman akong uminom sa bottle ni Koko eh." Sabi ko habang nakanguso. Habang siya ay patuloy parin sa kanyang expression. So cold.

Nanliliit ang kanyang mga mata. At binitawan ang braso ko.

"At sa akin hindi ka nahihiyang magpautos. Ganoon ba?" Medyo may bahid ng galit sa kanyang boses.

Bigla tuloy akong natauhan. At parang nahihiya. Oo nga. Tama siya. Bakit ko nga ba siya inuutusan. Hindi ba dapat ako ang bumili dahil ako yung may kailangan?

It hurts me a lot. Lalo na ang kanyang namamaos na boses. Nahihirapan siya sa mga pinapagawa ko sa kanya. Nakikita ko iyon.

Stupid Karyll! Nakakalimutan mo na ba na tao rin siya?! Nahihirapan rin!

"Sorry na... Hindi na mauulit." Sabi ko sabay tingin sa lapag. At tumalikod na sa kanila. Ayoko ng uminom. Naghahalo yung konsensya ko at yung pagkahiya. Nakakahiya ako sobrang nakakahiya.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya sa isang maingay na lugar. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at ang pagpapaharap niya sa'kin. I can't look at him. I'm so scared. That I don't want to see him angry and depressed. This is all my fault.

"Look at me, Karyll." Mariin niyang bigkas na nag pilit sa'kin na mapatingin sa kanya, kahit na ayaw ko. Pero Hindi ko talaga ito matagalan dahil masyadong seryoso yung mukha niya. Hindi pa ako sanay. "Please look at me, kahit ngayon lang. Sumunod ka naman." Ani niya sa isang nagmamakaawa't malungkot na boses.

Power Of Destiny (Manila High Estate #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon