Lumaki ako ng hindi nag kukwento sa pamilya ng kung ano mang masamang pangyayare sa buhay. Bihira ako makarinig ng mga payo mula sa aking ama at ina. Ni minsan ay hindi ako nakapag bahagi sa kanila ng mga mapait kong karanasan. Hindi ako pala kwentong tao, mas madalas mo akong makikitang nag susulat kaysa humanap ng tengang maari akong pakinggan. Pero alam ko hindi sila manhid, hindi ko man na ikukuwento sa kanila alam ko na batid nila ang lahat ng nangyayare sa akin. Itago ko man ang mga liham sa kasulok sulukan ng mga kutson ay alam ko hinahalungkat nila ito at babasahen sa oras na umalis ako. Alam ko nababasa nila ang lahat, kung ilang beses akong pinatulog ng pag iyak, ginising ng paghati, pinuyat ng lungkot pati ang mga tangka kong pag papakamatay. Alam ko nababasa nila ang mga liham ko ukol sa pag laban, kung paano ako nag papakatatag, kung ilang beses na akong muntik sumuko at kung ilang beses na akong nagapi.
Madalas kong makitang bukas ang aking kwaderno na nakapatong sa mesa, panatandaan na merong nag bukas. Sa pag baybay ko ng mga pahina nito ay bakas ang mga natuyong patak ng luha sa mga piling pahinang tumutuon sa kamatayan, at hindi ito galing sa akin. Hindi man nila sabihin kita ko ang pag aalala nila at takot. Sa bawat pag uwi ay bihira nila akong kamustahin dahil alam nilang hindi rin ako mag kukwento, pero alam ko lahat sila ay naka abang sa sulok ng kutson kung saan palage kong iniipit ang mga liham, nag babakasali na sana wala ng ligaw na liham pa ang matatagpuan.
