Chapter 1

24 0 0
                                    

First day of class sa University n pinasukan nina Mara, Mae at Rizza, tatlo sila na magbestfriend from elementary to high school hanggang college hindi sila mapaghiwalay at take note iisa lang ang  course na kinuha nila.

Tamang tama pagdating ni Mara at ng kanyang papa sa harap ng gate ng university na papasukan niya nakita agad niya ang kanyang dalawang kaibigan na naghihintay sa kanya na mukhang inip na inip kasi ang usapan nila kelangan 7 o’clock andun na sila pra mauna sa room to choice nice place na uupuan nila gusto kasi nila sa harap sila then quarter to 8 na sya dumating, natrapik kasi sila dahil siguro first day of class.

 “Sige pa salamat po sa paghatid ingat po kayo..”sabi ni Mara sa kanyang papa ng nakababa na sya sa kotse.

“Sige Mara ingat ka din, sya nga pala hindi kta masundo mamaya my overtime kmi sa opisina sakay ka nalang ng taxi ah tsaka umuwi ka ng maaga, walang kasama si mama mo wala si Manang ngayon” sabi  ni Mr. Marcelo

“Opo papa” sagot nia

“Okey, una na ako, basta tandaan mo-“ 

“Opo papa alam ko na po na only girl po ako ” putol nia sa sasabihin ng kanyang papa, iniingatan kasi sya ng kanyang papa kasi only girl lang sya sa apat nilang magkakapatid, si kuya Arson nya my asawa na at isang baby na 8 months old at nagbukod na ito, si kuya Dennis naman nya nag aaral sa Academy at si Rico ang bunso second year high school kaya whole day ang klasi nito.

“Kaya sige na po mahuhuli na po kayo at mukhang ganun nadin po ako tsaka hindi na po maipinta mukha ng mga yan oh” sabay tingin sa dalawang kaibigan na papalapit sa kanila

“Sya alis na ako” pangiti na sagot ng kanyang papa “At baka ako pa sisihin ng mga yan”

“Kaw talaga papa, sige baka abutan pa po kayo ingat po” patawa ring saad nya

Pinaandar na kanyang papa ang sasakyan tsaka naman dumating ang dalawa nyang kaibigan.

“Grabi teh ang aga mo ahh!” sabi ni Mae na papalapit sa kanya at mukhang inis na ata

“Sorry na guys natraffic kasi kmi ni papa” sagot nya

“Tara na uie kung mag uusap pa tayo dito for sure wala na tayo uupuan balita ko marami daw ang students ngayon at baka sa likod pa tayo makaupo tsaka Mae hindi kana nasanay jan kay Mara palagi nayan late” sabat ni Rizza

“Uie hindi naman palagi, minsan lang nga” pagkokontra ni Mara

“Sus, kung hindi lang kta bestfriend naku kanina na kita naupakan” patawang sabi ni Mae

“Sorry na, promise bawi ako maya treat ko kayo”sabi nya

“Yan naman palagi pambawi mo” birong sbi ni Rizza

“Ayaw nyo?”pabiro ding tanong ni Mara

“Gusto”sabay na sabi ni Mae at Rizza

Nagtawanan sila.

YesSs or NoOo!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon