Chapter 2

21 0 0
                                    

Mukhang sila nalang ata ang wala sa room na yun ng dumating sila.  Buti nalang my vacant chairs pa, apat yun pero sa likod banda kaya wala sila nagawa kundi dun umupo, alangan naman paalisin nila yung nakaupo sa harap.

Maya maya dumating na ang kanilang magiging instructor.

“Good morning guys” bati ng kanilang instructor na parang FC (Feeling Close) ata

“I’m Karen Lopez but just call me Miss Karen, handle ko major subject nyo” sabi ni Miss Karen

Magsasalita pa sana eto ng biglang my pumasok.

“Excuse me Ma’am” excuse ng bagong dating

Sabay lingon ng lahat.

“Teh ang gwapo” pakilig na sabi ni Mae

“Oo nga” sang ayun ni Rizza

“Wag nga kayo maingay jan baka marinig kayo, sabihin pa totoo” sabi ni Mara

“Totoo naman talaga noh” sagot ni Mae

“Ang hirap kasi sayo Mara hindi ka marunong tumingin kung gwapo ba o pangit, di ko nga matake yung taste mo sa boy crush mo dati si Napoleon sing pangit naman ni Necholas sa Bethy La Pea” mahabang sabi ni Rizza na nang aasar

“Oo nga”sang ayun din ni Mae

“Loka loka talaga kayo, hindi ko yun crush nababaitan lang ako sa taong yun” sabi nya

“Sus, tatanggi pa talaga” sabi ni Rizza

“Bahala kayo, paniwalaan nyo ang gusto nyo paniwalaan” patawa na sabi ni Mara

Namalayan nalang nila na papalapit na sa kanila ang bagong dating. Umupo eto sa tabi ng upuan ni Mara. Hindi man lang lumingon sa kanila kahit mag smile man lang kaya nadisappointed sina Rizza at Mae.

Di nagtagal nagpakilala na sila isa-isa sa harap ng mga kaklasi nila. Dahil nasa likod silang tatlo sila ang huling nagpakilala sumunod ang gwapong kaklasi nila.

Nalaman nila na John Renz Hernandez ang pangalan ng gwapo nilang kaklasi. Pangalan lang ang sinabi nito, kahit edad o background man lang nya wala sya sinabi. Gwapo naman talaga si Renz at aminado dun si Mara. Matangkad, mabuti, matangos ang ilong, maganda ang shape ng kilay na maitim bastah masasabing perfect ang mukha nya, maeensecure siguro ang babae kapag tumabi sa kanya kaya ganun na lang ang pagpanic ng boto-boto ni  Mara ng umupo eto sa tabi nya.

“Kaanu ano nya kaya si Mayor?” tanong ni Rizza

“Baka anak” sagot ni Mae

YesSs or NoOo!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon