Chapter 4

17 0 0
                                    

Chapter 4

Pagkatapus ng klasi nila ng araw nayun, umuwi na agad si Mara tulad ng sabi nya sa kanyang Papa, wala kasi kasama ang Mama nya umuwi kasi si Manang sa Probinsya dahil namatay ang Nanay nito pero nangako eto na babalik pagkatapos ilibing ang Nanay neto. Itinuturing na niya etong pangalawang ina dahil simula maliit pa sya eto na ang nag alaga dito, hindi na nakapag asawa eto dahil dalaga pa eto ng magsilbi sa kanila. Kaya ganun nalang ang pagmamahal nya kay Manang, kung wala nga lang sya pasok marahil sumama na sya dito sa probinsya para damayan ito.

Tinulungan nya ang Mama nya sa mga gawain sa kusina, kahit maituturing na buhay prinsesa sya sa bahay nila dahil ayaw ni Manang na gumawa ng mga gawain, spoiled kasi sya kay Manang pero kahit ganun man marunong parin sya sa mga gawaing sa kusina, marunong din sya magluto at ang special recipe nya paksiw. Paborito yun ng Papa nya kapag sya ang magluto.

Late na ang papa nya ng umuwi eto pero gising parin sya dahil hinihintay nya eto umuwi. Pinauna na nya kasi ang kanyang Mama matulog kaya sya nalang ang naghintay para pagbuksan ito ng gate. Hindi naman sila masyado nakakaangat sa buhay. Manager ang Papa nya sa pinapasukan nitong kumpanya.

“Oh anak, gising kapa? Mama mo?”tanong ng Papa nya

“Tulog na si Mama, Pa pinauna ko na sya kasi mukhang antok na antok na”sagot ni Mara sabay halik sa pisngi ng kanyang Papa nya.

“At ikaw naman bakit hindi kapa natutulog?” tanung ng Papa nya ulit

“Hinihintay ko po kayo” sagot nya

“Sana natulog kana, my susi din naman ako”sabi ng Papa nya

“Hayaan nyo na Papa gusto ko po talaga kayo hintayin, gusto ko siguraduhin na nakauwi kayo” sagot nya

“Naku tong anak ko napakaprotective”sabi nya sabay hapo sa ulo ni Mara

“Oo naman po Papa, kayo po yata nagturo nun sakin” sabi nya na tumatawa “Kumain na po ba kayo? Paghahanda ko po kayo” tanung ni Mara

“Naku! Wag na anak busog pa ako, sige na matulog kana at matutulog na rin ako” sagot ng Papa

“Sige po Pa kayo bahala, sige Pa una napo ako goodnight”

“Goodnight din ‘nak” tugon ng Papa nya

Mukha ngang antok na antok na ang Papa nya, laging ganun na oras kung umuwi eto galing sa trabaho. Pagpasok ni Mara sa kwarto nya agad sya humiga. Hindi sya agad nakatulog dahil sa kaiisip sa isang tao na hindi na nawala sa isip nya. Si John Renz Hernandez.

Tomorrow is another day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YesSs or NoOo!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon