(Tears In Heaven by Eric Clapton would be the theme song for this chapter.)
The Finale
Chapter 8: Tears In Heaven
Nagising ako sa ingay na nagmula sa baba ng villa, tila nagkakaroon ng kasiyahan. I groaned. My head was pounding nonstop. Right. I was too drunk last night with the dick-hunter, no other than Crosette.
Inabot ko ang cellphone nang mag vibrate ito sa ilalim ng aking unan. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Maegan. Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello," bati ko. Narinig ko ang paghikbi sa kabilang linya na nagpakaba sa 'kin. Mabilis akong napaupo. "Maegan."
"S-sasa..." nangatal ang kanyang boses. "Wa-wala na si Ta Kaloy."
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. "A-ano?"
"Hi-hindi na siya na-nagising." Humagulgol siya. "Tumawag sa 'kin 'yong kakilala namin."
Huminga ako ng malalim. "Maegan, nasaan ka?" patuloy siyang humihikbi. Napatingin ako kay Crossette nang pumasok siya sa kwarto. Agad na kumunot ang noo niya nang makita akong nagpapanic. "Nasaan ka, Maegan?"
"Magbobook ako ng flight papuntang Valenucia," aniya.
"I-" napalunok ako bago magpatuloy. Ta Kaloy's voice echoed in my ears. "Sasamahan kita."
"No, Sasa," aniya. Narinig kong napahinga siya ng malalim. "Ta Kaloy told me when we visited him, na hindi ka pwedeng bumalik sa Valenucia."
"My..." wala sa huwisyong napahawak ako sa pendant ni Ta Kaloy. "My condolences, Maegan," bulong ko.
Nagpaalam siya sa 'kin at binaba niya ang tawag. Lumubog ang kutson sa 'king tabi. "What's wrong?" Narinig kong tanong ni Crosette. "Aislinn Zesa Quevara."
"May kakilala lang akong binawian ng buhay." Bumaling ako sa kanya. "Ngayon-ngayon lang."
"Condolence, bebs." Napabuntong hininga siya. "May kandila at lighter sa kabinet. Nasa kusina lang ako. Bumaba ka na after kasi mag-aalas singko na." Natigilan ako. "Yes, natulog ka maghapon. You even danced with the foreigner last night. At bebs, napakalagkit niyang tumingin sa 'yo."
"Sa haba ng tulog ko..." wala sa huwisyong sambit ko. "Wala man lang akong napanaginipan."
Nagtungo ako sa kabinet at binuksan ito. Agad kong nakita ang kandila at lighter na sinabi ni Crosette. Bagsak ang balikat ko na kinuha ito bago nagtungo sa altar ng kwarto.
"You don't remember the guy last night, bebs?"
Umiling ako at sinindihan ang kandila bago nag-alay ng dasal para kay Ta Kaloy. Malaki ang tulong na ginawa niya sa 'kin. But all of a sudden, bigla na lang siyang namatay. Hindi ko mapigilan na hindi mapa-isip, konektado kaya ang kanyang pagkamatay sa pagtulong sa 'kin?
Minulat ko ang mga mata matapos nagdasal. Hinipan ko ang apoy sa kandila at humarap kay Crosette.
"Ano ang nangyayari sa labas?" tanong ko nang marinig ang ingay.
Tumayo siya't nagtungo sa akin. "May bonfire malapit sa villa." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Mag night swimming tayo later. I won't accept no. And," she paused. "I invited Cheska and Michael and they're on the way here na." Nagsimula siyang maglakad palabas ng kwarto. "Ayy!" She suddenly turned around and faced me. "Maraming d*ck kapag gabi. I'll turn you into a d*ck hunter."
Tumawa siya bago tuluyang lumabas. Napakurap ako sa kawalan, wala na talagang pag-asa si Crosette. Bagsak ang balikat ko nang inimbita pa niya si Michael and Cheska. Hindi magiging payapa ang isang linggo kong bakasyon.
BINABASA MO ANG
CAMBION (R-18 | COMPLETED)
Paranormal📌 WattysPH2018 SHORTLIST "Angel of God. My Guardian dear. To whom God's love commits me here. Ever this day or night be at my side, to light and guard, to rule and guide. In Jesus name... Amen." At matapos bigkasin ang panalangin na iyon... ay nata...