Mish’s POV
Umiiyak nanaman ako. Ano bang bago? Simula nung naging kami ng boyfriend ko na si Marco, lagi nalang akong ganto. Lagi nalang kasi ako nasasaktan dahil sakanya. Parang feeling ko, lagi nya akong niloloko.
Alam ko na iniisip niyo. Bakit hindi ako makipag-break?
Simple lang naman sagot dyan e.
Kasi….
Mahal ko talaga siya.
Oo, tanga na kung tanga e pero bakit ba? Umamin kayo, naranasan niyo na rin naman to! Yung tipong, lahat nalang ng taong nakapaligid sayo, sinasabihan ka nang makipaghiwalay pero hindi mo talaga magawa?
Hindi ko magawa kasi masakit either way e.
Pag hiniwalayan ko siya, masakit na, nawala pa siya sakin.
Pag naman hindi, nasakin nga sya, pero kelangan kong magtiis.
Pero teka, hindi naman ganun kasama yung boyfriend ko! Hindi ko naman siya magugustuhan kung sobrang pangit ng ugali nya e! May mga bagay lang kasi kami na lagging hindi pinagkakasunduan.
Tsaka sabihin na rin natin na mejo…. Matured ang isip nya.
Maliliit na bagay lang naman ang pinagaawayan namin e. Paulit-ulit, pero pare-pareho lang din naman. Lately lang yung mejo sobrang bigat na. Seryoso, kumbaga.
He said he wanted to take our relationship into a new level.
Gets niyo naman diba? Hindi ko nanaman siguro kelangan pang iexplain kung anong ibig nyang sabihin. Yun na yun.
At yun mismo ang problema.
Ayoko pa. Ayoko talaga. Feeling ko kasi hindi pa ko handa. Masyado pa akong bata.
Oo na! manang na kung manang pero hindi ko pa kasi maisip yung sarili ko na pumasok sa ganung sitwasyon e. Paano kung mabuntis ako? Paano kung yun lang yung habol sakin ni Marco? Edi ako ang kawawa sa huli diba?
Kung mahal mo ko, papayag ka.
Mahal ko si Marco, oo. Pinagiisipan ko naman e. Kaso natatakot talaga ako. Hindi naman kasi dapat pilitan to diba? Para sakin, may willingness dapat.
Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko. Pang-ilang beses na ba akong umiiyak dahil kay Marco? Ano bang dapat kong gawin? Yun ba talaga yung sukatan ng pagmamahal?
Bigla kong napansin yung teddy bear sa may study table ko. Tumayo ako at kinuha ko yun. Naalala ko nanaman si papa. Miss na miss ko na siya. Wala na kasi si papa e, at eto nalang yung tanging alaala na naiwan nya sakin.
Umupo ako ulit at inakap ko ng mahigpit yung manika. Walang tigil yung patak ng luha ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko L
Humiga ako, hoping na baka antukin ako. May pasok pa man din ako bukas. Akap akap yung manika, I cried myself to sleep.
Maya maya, parang naanigan ko na maliwanag. I opened my eyes only to shut them again because of the blinding light. Next thing I know, may mabigat sa braso ko. Madilim na ulit kaya hindi ko masyadong Makita, pero….. alam kong buhok yung malapit sa mukha ko. Alam kong ulo yung nakapatong sa braso ko.
Teka….
No…
This cant be happening!
May lalaki sa tabi ko!!!
“EEEEEEEEH!” tumili ako sabay tulak dun sa lalaking nakahiga sa braso ko.
*BLAG*
“Aray!” narinig kong sabi nung lalaki. Nakita ko itong tumatayo at lalong nanlaki yung mata ko nung narealize ko na talagang tao ito. “Bat mo naman ako tinulak?!” Aba! At sya pa ang may lakas ng loob na magtaas ng boses!
“S-Si-Sino ka ba?! Bat ka nakahiga sa kama ko?! San ka galling?!” Sunod sunod yung tanong ko. Nakaupo na ako at akap akap ko ang tuhod ko. Sobrang takot na takot ako.
Nagkamot ng ulo yung lalaki sa harap ko. At dun ko narealize na nakahubad pala ito!
“AHHHH! Takpan mo nga yan!” Hinagis ko yung kumot ko sakanya. Jusko, yung mata ko, nawala ang kainosentehan!
“Teka teka, wag ka magpanic please? Let me explain.” Mahinahon yung boses nung lalaki. Pero wala akong pakielam. Isang galaw lang nya, sisigaw na talaga ako ng malakas.
“I’m… I’m Yohan. And I’m in your bed kasi akap akap mo ako kanina.” Halos mapraning ako sa mga sinasabi nung lalaki. Akap? Eh yung teddy bear ko yung akap ko kanina! “Don’t think about it too much, yes yes. Ako. I’m Yohan and I’m your teddy bear.”
And that was it. My consciousness left me.
===========================
A/N: Had this plot for ages pero hindi ko masulat sulat and now here it is! I'll try to upload as soon as i can, prolly tomorrow? Bago mag resume ang classes.
So you like it? Vote or Be a Fan! :D
BINABASA MO ANG
My Teddy Bear Boyfriend
Teen FictionIt took love to put him in a curse. Will he get the love he needs to get him out of it? Anog gagawin mo kung malaman mong yung teddy bear mo, hindi lang pala basta doll? Tao siya. A guy to be exact. And this guy needs some serious he...