Yohan’s POV.
It’s been a week since i was freed from the curse.
Well, somehow at least.
Akala ko hindi na ako makakakawala.
Alam ko kasing masayahing tao si Mishika, bihira yun umiyak. Pero lately, nakakaawa. Gabi-gabi nalang umiiyak.
Ang hirap tignan. Nung naging teddy bear kasi ako. Hindi ko napipili kung ano yung gusto kong Makita at marinig. May oras na nakikita at naririnig ko lahat, may oras naman na parang tulog na tulog ako at walang pakiramdam.
Naisip ko tuloy, meron din kayang umiyak dahil sa kin ng ganun?
I know I’ve been a jerk to all those girls na nagkagusto sakin. Alam kong sa sobrang sama ng ginawa ko sa kanila, halos isumpa na rin nila ako.
Maybe I really do deserve to be cursed.
Biglang bumukas yung pinto. Dumating na si Mish.
“YOHAN MAGTAGO KA!” she yelled at me. She looks so rushed.
“Te—ka! Aray!” Bigla nya akong hinatak papunta dun sa isang kwarto. Binuksan niya yung pinto tapos pinilit nya akong ipasok dun. “Mishika! WHAT THE HELL?!” pinagsisiksikan nya ako dun sa maliit at madilim at nangangamoy na storage room na yun. “BAKIT BA?!” nabubwisit na ko.
“Look, Marco’s coming so pleaaaase just stay there for a while. Wag ka nang dumagdag sa problema namin ngayon. Pag nalaman nyang may kasama akong lalaki dito sa unit ko, magagalit yun sakin!” natataranta siya.
“We both know he won’t stay here just for a while. Anong balak mo sakin? Magdamag dito sa storage room? Hindi ba pwedeng sa CR nalang ako?!”
“Hindi kasi… kasi ano… makikita ka nya dun! Gusto mo lumayas ka muna!”
Napaisip ako bigla. Sabi ko tutulungan ko siya sa boyfriend nya. Maybe it’s about time I meet that asshole. “Hindi. Sige dito lang ako. Just… just make him leave immediately alright?!”
“E bahala na kasi…”
“HOY MISHIKA I SWEAR PAG HINDI MO AGAD PINALAYAS YUN LALABAS AKO DITO! WALA AKONG PAKIELAM KAHIT MAGAWAY KAYO DAHIL SAKIN!” sinigawan ko siya.
“Oo na oo na just keep quiet alright!” Biglang may kumatok. “That’s him. Please pleaaase Yohan, please stay there alright?” and then she shut the door.
Kahit na sobrang asar ako, tumahimik nalang ako sa loob. Tutal naman gusto ko na rin makilala yung lalaki, papakinggan ko nalang usapan nila. Binuksan ko ng konti yung pinto, dahan dahan para hindi tumunog, tapos sumilip ako.
Nakita ko sila. Yung Marco. I suddenly remembered my teenage self nung nakita ko sya.
“akong ako nga to.” Nabulong ko nalang sa sarili ko. Isang tingin pa lang kasi sa kapwa lalaki ko, alam ko na agad ang ugali. Sigurado akong gago rin to.
“Babe, look, I’m sorry. I know I crossed the line when I asked you to be mine. Hindi ko naman alam na sasama loob mo ng ganun e.” sabi nung Marco.
Umupo si Mish sa tabi nya. “Marco, I’m yours, alright? It’s just that I’m not ready to go that far. Napagusapan na natin to bago pa man din maging tayo.” Natawa nalang ako. Bata pa nga tong si Mish, hindi nya alam na hindi ganun ang patakaran ng mga lalaki.
“I understand. Akala ko lang na you trust me enough para ipagkatiwala mo lahat lahat sakin. I guess we’re not on that level yet.”
Hinawakan ni Mish yung kamay ni Marco sabay sabi “Oh babe it’s not like that! You know I trust you, pero… I need more time. You’re my first boyfriend so I’m new to all these. You just need to be patient with me.”
BINABASA MO ANG
My Teddy Bear Boyfriend
Teen FictionIt took love to put him in a curse. Will he get the love he needs to get him out of it? Anog gagawin mo kung malaman mong yung teddy bear mo, hindi lang pala basta doll? Tao siya. A guy to be exact. And this guy needs some serious he...