Prologue

596 15 6
                                    

Bitbit ang isang box ng pizza sa kanang kamay at isang kumikinang sa lamig na soda in can sa kaliwa, ay tagaktak ang pawis ni Eli habang aligaga na tumatakbo patungo sa Auditorium ng St. Therese All Girls Academy kung saan kasalukuyang nag rerehearse ang bandang 'Never too late' kung saan bokalista ang Girlfriend niyang si Alex.

Alexandra Chankimha was the most popular girl in St. Therese. Maganda, mayaman at presidente ng student council. Halos lahat ng estudyante ay nagkakandarapa sa kanya. Ano pa ba kasi ang hahanapin mo sa katulad niya eh halos nasa kanya na ang lahat. Kaya laking gulat ng karamihan nang ligawan nito si Elizabeth Armstrong. Isang nerd at simpleng babae na bagamat hindi naman mayaman ay biniyayaan ng taglay na katalinuhan.

Marami ang nagtaas ng kilay kay Eli. Kumukwestyon kung bakit sa dinami rami ng magaganda at mayayaman na estudyante na mas nakahihigit sa kanya ay siya pa ang pinili ni Alex. Pero naniniwala siyang mahal siya ni Alex at mahal na mahal niya rin ito. Para sa kanya ay iyon lamang ang pinakamahalaga sa lahat.

Sa pagliko ni Eli patungong Auditorium ay saktong nakasalubong niya ang isa sa mga kabanda ni Alex. Si Nam. Sa bibihirang pagkakataon ay binati siya nito na ipinagtaka niya dahil maging ang mga kaibigan ni Alex ay hindi sangayon sa relasyon nila.

"Oy, Elizabeth. Para kay Alex ba yan?" Nakangiting tanong ni Nam habang nakaturo sa bitbit na canned soda ni Eli.

Malapad na ngumiti si Eli showing off her pink colored braces at tumango. "O-oo para sa kanya nga ang mga ito. T-tapos na ba kayo mag p-practice? Nasa loob p-pa ba siya?"

Napangisi naman si Nam dahil sa pautal-utal na pagsasalita ni Eli. "Ah, oo. Nasa loob pa nga siya at kakatapos lang. Puntahan mo na. Kanina pa niya hinihintay yan. Siguradong uhaw na uhaw na yon."

Pagkatapos sabihin yun ay agad na siyang tinalikuran ni Nam at mabilis na naglakad palayo. Ngunit hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang kakaibang ngisi nito na nakapagpatindig sa balahibo niya. Ipinagkibit balikat na lamang niya ito sa huli at agad nang nagtungo sa labas ng Auditorium kung nasaan si Alex. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto ngunit bago pa man siya makapasok ay napatigil na siya nang may marinig na komusyon sa loob.

"She doesn't belong to you, Alexandra! Can't you see, I still love you!"

Kilala niya ang boses na iyon. Ito ang ex Girlfriend ni Alex na si Heidi. Halos limang taon din ang itinagal ng relasyon ng dalawa until Heidi left Alex with no apparent reason at all. Alex was only thirteen when she and Heidi entered in a relationship. She was Alex's first love kaya hindi maiwasan ni Eli na manliit sa sarili sa tuwing pinamumukha ng lahat kung gaano kalayo ang antad nila ni Heidi.

Napagdesisyonan niyang magtago sa likod ng pinto upang pakinggan ang isasagot ni Alex. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya. Kaba, takot at pangamba. Alam niyang hindi tama ang mga nararamdaman niya dahil naniniwala naman siyang mahal siya ni Alex ngunit hindi niya ito maiwasan kapag si Heidi na ang pinag-uusapan.

"I don't." Baliwalang sagot ni Alex na hindi nakatingin sa kausap at itinotono lamang ang kanyang gitara.

Napabuntong hininga naman ang huli at desperadong sinabunutan ang kanyang sarili. "Then what do you want me to do to prove that I love you?!"

Bigla na lang itinabi ni Alex ang kanyang gitara nang marinig niya ang basag na boses ng dati niyang kasintahan. Napalaki naman ang mga mata ni Eli nang sumilip ito at saktong nakita niyang tumayo si Alex sa kinauupuan at dinaluhan ang umiiyak nang si Heidi. Napahigpit ang hawak ni Eli sa mga dala niya nang hawakan ni Alex ang mukha ni Heidi at pinahiran pa ang mga luha nito. Halos madurog ang puso ni Eli sa tagpong iyon. At biglang tumigil ang mundo niya nang marinig ang sinabi ni Alex.

"Leave me and my GIRLFRIEND alone. That's the only proof I need. I'm sorry, Heidi but my heart is already belong to Elizabeth. I love her more than anything else."

I Want You Back (FREENBECKY)Where stories live. Discover now