ONE: Dakilang Pasaway

146 4 20
                                    

“Taena. Umalis ka sa harapan ko babaliin ko buto mo.”

“Pero Miss Lakeisha magagalit po sa amin ang ama niyo.”

“Wala akong pakialam. Tsupii.” Lintek na mga body guards to oh. Ayaw akong paalisin ng bahay. Late na ako sa mush up namin.

“Pero Miss Lakeisha mapapagalitan po talaga kami kapag umalis kayo.” Paliwanag na naman ng head ng mga body guards ko.

“Psh. Wag kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo. Please naman oh? Babalik agad ako pagkatapos ng mush up namin.”

“Pero…”

“Babalik talaga agad ako. Promise talaga. Bago dumating ng bahay si Ama pangako nanjan na ako. Ako bahala sa inyo.” Hindi ko na siya pinatapos mag salita. Nakakainis naman kasi eh ayaw pa akong paalisin. Ginagawa akong bata ni Ama. 17 years old na ako pero para parin akong 8 years old =__=

Kinuha ko ang sasakyan ko at pinaharurot ito. Narinig ko pang sinabi ni Art..

“Miss Lakeisha wala pa po kayong lisensya!”

Wala akong pakialam kung wala pa akong lisensya. Sa wakas naka takas rin ako sa kanila. HAHAHA.

 Btw, I’m Lakeisha Alyson. Isang maganda at sexing nilalang na namumuhay sa mundong ibabaw. HAHAHA! Hmmm. Mayaman ba kame? Yea super! Ang lolo ko ang Prime Minister ng France. Ang mga magulang ko naman ay nag mamay-ari ng pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas. Ako ang PINAKA pasaway na anak ni ama at ina. HAHAHA. Well I’m born this way ^___^.  May nakatatanda akong kaptid. Wanna know his name? ugh! Nevermind! He’s not that important. Need more information about me? Then try to read this story ^^

K. Tama na yang echos na yan.

 Agad akong pumunta sa bahay nina Tammi Chen. Dun namin gagawin mush up namin eh.

=Tammi Chen’s House=

“Oh nanjan na pala si Lakeisha eh.” Pauline Savannah

“Nag simula na ba kayo? Lintek naman kasi yung mga body guards na yon eh. Di ako paalisin”

“Hindi pa nga eh. Wala pa si Nonie Leigh. Buti pinayagan kang umalis” wika naman ni Tammi Chen

“Anooo? Grabe talagang  babaeng yon. Kelan kaya yon dadating sa tamang oras. Ano ka takas lang ulit ako. Hehehe ^^” Mahihiya na sana ako sa kanila dahil late na ko. Pero nakalimutan kong wala din namang mga hiya ang mga ito eh. Tsaka nakalimutan kong may Reyna nga pala kami ng Late.

“Umasa ka pang dadating yun sa tamang oras.” Francesca Cathlim

“Tammi Chen si Tita Gina?” Si Tita Gina ang ina ni Tammi Chen. Nakakatuwa nga si Tita Gina eh. Parang bagets lang din. Astig \m/

“Nasa taas, bakit? Wag mong sabihing hihingi ka na naman ng chocolate cake at ice cream?” Tammi Chen

“Hehehe ^___^” sagot ko na lang.

“Nako Lakeisha yang mga tawa mong yan hindi ko gusto. Uubusin mo na naman laman ng ref namin eh” Tammi Chen

Feel at home lang kasi kami dito sa bahay nina Tammi Chen. Kawawa pag full loaded yung ref nila kasi lagi kong pinapakialaman. HAHAHA! Hindi lang naman ako ang nakain eh. Pati yung iba ko pang kaibigan. Pero okay lang yon. Mayaman naman sila eh XD

A Blur Silhouette of FOREVER - O N G O I N G -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon