Chapter 4 (Part 2)

21 1 0
                                    

#04 (Part 2)

" tubig oh "

" leader..... " siya ba talaga to ?! i mean.. hindi naman kami close so bat pa siya nag abala.. ow emmmm !

" hey. ayaw mo ba ? "

" huh ah sorry. Salamat " inabot ko narin tapos naupo siya sa tabi ko. Kainis. Gusto kong ngumiti ng abot hanggang tenga kaso di ko magawa. Mapagkamalan pa kong baliw neto minus ganda points yun.

" hindi kaya magalit yung nagbigay sayo nito ? classmates mo ba yung mga babae kanina ? " kanina kasi minutes before magtawag ng break si sir may kausap siyang mga babae.. mga pito siguro yun

" hindi yan. Saka ano namang gagawin ko sa dalawang bote ng tubig, kesa naman masayang diba .. may snacks pa nga o gusto mo ? " umiling lang ako tho may part sakin na gustong kunin yon. Tss katakawan hiya hiya din pag may time xD

" actually, i dont know any of them.. "

" weh ? di nga ?! " ano yun fan girls niya ? ordinary students lang siya kaya imposible.. ano to wattpad story ?!

" swear, hindi talaga.. sabi nung Cathy ata pangalan if im not mistaken.. nakita nila yung performance ko sa last kcon event at hindi nila inakalang schoolmate nila ko kaya nagulat sila nung makita nila ko kahapon.. hindi ko lang alam paano nila nalaman kung nasan ako ngayon " wow ang haba ng linya ni prince.. ibig sabihin ba nito close na kami .. Ow to the Emmmm !! ok assumera. Infairness sikat pala tong prince ko.. bagay talaga sa kanya ang k-prince ㅋㅋㅋ

" so sikat ka pala... " napalingon lingon naman ako sa paligid

" hindi naman. Teka anong ginagawa mo ? "

" huh baka kasi nasa paligid lang yung mga fangirls mo.. kailangan alerto ako.. sa mga nababasa ko kasi sinusugod ng mga fangirls ang kung sino mang makatabi o makalapit sa prince nila "

" haha ayos ka a. Ang lawak ng imagination mo.. i don't think nangyayari yan sa totoong buhay.. lalo na sakin.. friendly sila.. harmless.. " napapailing pa siya habang nakangiti. Oy ! ako may gawa ng ngiti na yan . Ang galing mo Trixie *u*

" siguro nga kasi hindi rin naman ako ganun.. hindi ako kabilang sa mga possesive at immature fans . Teka.. nabanggit mo kanina yung kcon.. anong pinerform mo dun ? "

" nagcocover kami.. cover group kami ng 'The Emperors' " proud na sabi niya

" oh no ! "

" oh yes ! bakit, di ka ba naniniwala ? "

" hindi lang ako makapaniwala.. aigoo ! sample naman jan " siniko siko ko pa siya. Feeling close haha.

" errr-- manuod ka nalang sa susunod na kcon " nakahawak pa siya sa batok niya.. nahihiya siguro to.. ganyan kasi mga bidang lalaki sa story pag nahihiya diba ihhhhh so nahihiya siya sakin ?! ( OA ka na ! ikaw kaya pasample'in sa court na maraming tao hindi ka kaya mahiya ? ) aish ! epal na kunsensiya.. minsan na nga lang ganitong moment ang hilig pa umeksena.

" kung pwede nga lang.. gusto ko talagang pumunta sa mga event na gaya niyan kaya lang hindi ako pinapayagan ng parents ko.. aksaya lang daw ng pera pati oras.. ewan ko ba dun hindi nila magets kung anong feeling ng kabataang kagaya ko.. ang totoo pa nga niyan nakakalabas labas lang ako pag may pasok sa school.. "

" may dahilan naman siguro ang parents mo kung bakit sila ganun. "

" siguro nga.. iba kasi yung hilig nila noon sa hilig natin ngayon. Change topic na nga lang. So active fanboy ka pala.. ano pang mga activities mo ? "

" bukod sa ginagawa ng normal fans.. nagcocosplay din ako. isa sa member ng Emperors--- "

" wait wait ! huhulaan ko.. " pagkakataon ko ng titigan siya ng hindi nahahalatang gusto ko siya kyaaah ! ang bilis ko talaga mag isip sa gantong mga bagay haha

MY FANBOY (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon