Chapter 14

21 1 0
                                    

#14

" Hay grabe. Nairita ko dun sa couple na nasa harap natin kanina. Akala siguro nila park yung simbahan kaya kung makapaglampungan wagas. "

" haha sinabi mo pa. Sa pandinig siguro nila sweet love song ang mga pangaral nung pari hahaha " dagdag pa ni Kei

" Hul. Isang oras lang naman yung misa di pa makapag antay. Buti nalang sinaway sila nung madre. Their faces. hahaha "

" nahiya siguro sila kaya lumipat sa dulo haha. "

" At least marunong sila mahiya haha. Oh, where to ? Mamaya na tayo umuwi. Foodtrip ? " maggagala muna kami hehe. Ite-text ko nalang si mama mamaya.

" hmmm. Sige, tara. " pagsang-ayon niya sabay hila sakin.

" Wait-- Dun tayo sa Green Park. May Night Market dun ! " ako naman humila sa kaniya.

Malapit lang din naman yun dito e. Bukod sa perya na meron dun ngayon, marami ring food stalls at iba't iba pang mga murang bilihin.

Woah. Sabi ko na nga ba ! Parang may Food Festival lang. Tamang tama gutom na ko.

" Oh- "

Bump. " Uy. Ba't bigla bigla kang humihinto ? "

" Si.. Si Oppa.. OPPA ! " sigaw ko sabay kaway dun sa lalaking nakaupo sa bench sa ilalim ng puno di kalayuan sa amin.

He waved back. " Kimmy ! "

Lumapit naman kami agad sa kaniya.

" ginagawa mo dito oppa ? Foodtrip din ? Ay. Kasama ko pala si Kei. "

" Pre. " bati naman ni Kei

" Dude. " bati din ni CK tapos nag fist bump sila.

" Ehem. "

" Uhm. Si Alexa nga pala. Alexa, this is Trixie, eto naman si Keith. "

I smiled at her pero guess what.. Tinignan niya ako from head to toe sabay smile. Psh. " Hello sa inyo. " sabi pa niya sabay kapit sa braso ni CK.

Napatingin nalang ako sa braso nila. Bigla akong hinawakan ni Kei dahilan upang tignan ko siya pero kay CK siya nakatingin.

" so, nagfofood trip rin ba kayo ? " tanong niya.

" Ahm.. Nagkita kasi kami kanina sa simbahan after ng misa then she-- "

" then niyaya niya narin akong mamasyal dito since malapit lang naman. "

Nyenye. Hindi naman tinatanong tong babaeng to sagot ng sagot. Kung makakapit pa kala mo tarsier. Sabagay malaki naman mata niya haha. Oopps mean. Siya nag umpisa so dont blame me.

" Ya. Oppa.. Museuniriya.. Ige aninde.. Yo.. Yojachingu ? " (Museuniriya = what is it. Ige aninde = this isnt it. Yojachingu = girlfriend ) nahihiyang tanong ko naman kay CK. Pero kahit na. Mabuti nang malaman agad para makapag move on ng maaga.

Chu~ move on ? E hindi naman naging kami.

" mwo ? Ahahaha. Nugu ? Alexa ?! Wae ? Ahahaha. " (Mwo = what. Nugu = who. Wae = why)

Hul. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko a. E sa para silang couple. Isa pa, hinahayaan niya lang si Alexa na kumapit sa kaniya. Tapos kung makasmile wagas. Hindi na nga makita yung mata niya pag tumatawa ngiti pa ng ngiti. Kainis.

" Ya ! " sigaw ni Alexa sabay hampas sa braso ni CK. Chansing na babae to. Itong isa naman tawa parin ng tawa. Baliw.

Pagtingin ko kay Alexa ang sama na ng tingin niya sakin. I didn't say any right ?. Oh, di naman niya ko naintindihan diba ? If ever may masama ba sa sinabi ko ? Wala namang clue sa sinabi ko. Well.. Si oppa nabanggit yung pangalan niya. Pero bakit siya magagalit. Aish.

Tinignan ko naman si Kei.. mukha siyang naguguluhan. Yung mata niya para may question mark. Like this «( ?_? )

" Ya ! Oppa ! Tumigil ka nga. Ano na ?! "

" Pffft. Ahaha. Hooo~ " tumigil rin siya at inayos ang polo niya

" Aniyo. Aniyo. Bakit mo naman naisip yan ? Ay. Nga pala, naiintindihan ka niya. Ahahaha " dagdag pa niya saka tumawa ulit.

Face palm. (Aniyo = no)

" E-he-he bat di mo naman sinabi agad. " napakamot nalang ako sa batok ko.

" Tama na nga yan. Para kayong mga Alien. Tara na nagugutom na ko. " sabi ni Kei. Hinila niya na rin ako sa hilera ng mga food stalls. Habang abala siya sa pamimili ng kakainin tumingin ako sa likuran namin. Nakasunod lang samin sila CK. Tumingin siya sakin kaya ngumiti naman ako. Kinabig naman ni Alexa yung braso niya sabay tingin sakin ng masama. Hala. Sila ba ? Sila ? Sipain ko to e.

" Hoy. Ano ba. Ano na sayo ? Kung saan saan kasi tumitingin e. "

" H-ha ? Ahm... " tinignan ko yung pangalan ng stall.. Italian cuisine.. Napakacommon naman.

" May napili ka na ba dyan ? Mga pasta naman yan e. Di yan nakakabusog Kei. Ayun ! Dito tayo. " hinila ko siya sa katabing stall. Mr. Bob. Korean food.. Woa ! Ang laki nung chicken barbecue nila.. Ano ngang tawag dito ? Tapos yung ramen nila maraming sahog di katulad dun sa mall na sa picture lang mukhang masarap. 100php lang per serving tapos sa malaking bowl pa. Yum yum. Ok. Halatang gutom na ko.

" Ms. Isang kimbap nga po. Ay. Saka bibimbap. Ramen nadin. Uh teka.. Ok lang ba sayo dito Kei ? "

" nagtanong ka pa e naka order kana psh. "

" hehe ok. Libre mo diba ? " um-oo ka um-oo ka wahaha. Tatlo na naorder ko so 300 na yun.

" Hoy wala kong-- "

" Sige ako na bahala "

" wag na oppa.. "

" sinabi ko bang hindi ko babayaran ? Oh Bayad po. Padagdag narin ng dubokki. " sabi ni Kei sabay abot ng 500.

" At isang japche ! Keep the change. " ayos haha

" Anong keep the change ? Sakto lang yon krung krung ka talaga. "

" Alam ko. Joke lang yon. Slow. "

" anong--- ahaha "

Natawa nalang kami pareho. Corneto kainis. Pati sila CK nakisali narin.

" Here pa oh. Say Ah... "

" here pa oh say ah.. Arte arte. "

" Hinaan mo nga yang boses mo baka marinig ka. " saway ni Kei

Tss. E ano naman. Malaki na si Oppa para subuan. Isubo ko sa kaniya yang kutsara e. Saka tignan niyo nga si CK, halatang naiinis na kasi naniningkit lalo yung mata tapos napapailing na lang. Tsk. Tsk. Ang dami kasing alam na pauso ng babaeng to.

" Ehem. Argh. Ehem. Chubig shi "

" Oh. Laki mo naman kasi sumubo panong di ka mabilaukan. "

" di kaya. " sabi ni Kei sa pagitan ng pag inom niya ng tubig.

" Sus. Hindi raw. Pusang to. Bat ba kanina ka pa nakayuko ha. Kinakarir mo masyado ang pagkain baka ubusan mo ko ! Hul. Ano yan.. Ahaha. Patingin nga. Ahaha " pilit kong tinignan yung mukha niya pero iwas lang siya ng iwas.

" patingin na nga kasi ahaha. Pati tainga mo mapula narin. Hala ! Yung leeg mo rin haha amazing. "

" malamang mainit kaya. Tigilan mo nga ko. "

" weh~ mainit daw. Maanghang ano ? Haha "

" hindi mainit lang talaga. "

" oo talagang maanghang. "

" hindi sabi. "

" oo naanghangan ka. Ahaha "

" hindi nga "

" hindi nga. Sobrang anghang lang. Ahaha "

" Sinabi na ngang- "

" Ang cute niyo tignan Kimmy. You look cute together "

^ VOTE/ COMMENT/ FOLLOW/ SHARE ~ Ch3lliJi

MY FANBOY (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon