Taon lng ang nagbago,
Ako, heto walang pinagbago
Alipin pa rin ng karamdaman
Ang sabi ng magulang ko
Nasobrahan ako sa aruga
May nagkasakit bang nasobrahan lng sa kalinga?
Itutulog ko na lng, ang anumang sama ng loob
Sa taong paulit-ulit akong pinagsisinungalingan
Dahil sa bisyong di maiwan-iwan.
Bahala ka na Ama,
alisin Niyo nawa ang poot
at kung anu pa mang nararamdaman ko
Kung ito po ay biyaya,
nawa'y papanatagin Niyo po ang kalooban ko
Kung ito naman po ay sumpa
Nawa'y maliwanagan na ako.
Gumaling nawa ang karamdaman
Mawala ang galit, bisyo at kapabayaan.
Ng matuldukan na ang kasinungalingan.
Ngunit kung iba po ang nais Ninyo
Ako'y Iyong alipin
Susunod po sa Iyo.
~MLCbP 01022014