kabanata 3: My Punishment

10 1 0
                                    


AO1 POV's

Tahimik akong nakaupo sa isang sulok habang pinapanood ang mga taong dumadaan sa harapan ko.Nasan na kaya si Yaeshton? Ayos lang kaya siya?

Maya maya pa ay napahawak ako sa aking tiyan...gutom na ako..tss isa na talaga akong mortal.Huhuhu! Saan ako kukuha ng pagkain tsaka baka hindi ko magustuhan ang mga pagkain dito!teka diba ito naman talaga ang gusto mong mangyari ang manatili sa mundong 'to?T_T pero hindi naman sa ganitong pamamaraan..ang hirap naman ng kalagayan ko!hindi ako sanay!!

"Ate!" Nagulat naman ako sa bilang pagsalita ng isang batang lalake.

"Oh!" Sabi niya at may inabot na ewan hindi ko alam.

"Ano iyan?" Tanong ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Ate may amnesia ka ba? Donut to kainin mo alam ko kasi na gutom kana!" Sabi niya...Donut?

"Sigurado kang kinakain to?" Nagaalinlangan kong tanong hugis pabilog siya at may butas sa gitna kulay Puti.

"Hay naku at sabihin mo lang kung ayaw mong kainin akin nalang--

"Hindi no..wala akong sinabi!" Sabi ko at hinablot ang donut na sinasabi niya.

"Tss tatangihan mo pa ako!" Sabi niya hindi ko nalang siya pinansin at kinain ko nalang ang binigay niyang pagkain..kakaiba ang lasa pero aaminin ko gusto ko ang lasa nito!

"Sige ate alis na ako..!" Sabi niya at kumaway pa kumaway rin ako sa kanya habang ngumunguya pa ng pagkaing bigay niya.

********

Saan ako ngayon pupunta? Iyan ang tanong sa aking isipan.

Hindi ko alam kung saan na ako pwedeng pumunta eh sa wala naman talaga akong masyadong alam sa mundong ito! naku A01 ano ba naman kasing klaseng gulo ang napasukan mo..!!

Patuloy lang ako sa paglalakad pinagmamasdan ang mga taong naglakakad ang ilan sa kanila ay napapatingin sakin kaya naman nakikipagtitigan din ako sa kanila..ano kala nila sila lang ang pwedeng makipagtitigan?.Hindi ko nalang sila masyadong pinaglalaanan ng pansin dahil ang dapat kong isipin ngayon ay hanapin si Yaeshton...Tama! Siya lang ang taong malalapitan ko sa mundong ito dahil siya lang ang kilala ko dito.

Lakad lang ako ng lakad habang nakahawak parin sa aking tiyan..aaminin ko hindi naging sapat iyong binigay saking pagkain ng batang babae para iwaglit ang pagkagutom ko pero nagpapasalamat parin ako sa ginawa ng bata napatunayan niya kasi na marami parin talagang tao ang mababait at may pakialam sa kanilang mga kapwa.

Sa hindi inaakalang pangyayari ay narinig ko muli ang isang pamilyar na ingay dahilan para makaramdam ako ng takot. Isang pamilyar na busina na dahilan para maparusahan ako ng ganito.Hindi ako makagalaw at dahil sa gulat at takot na aking naramdaman ay biglang nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Ang tanging nagawa ko lang ay mapapikit at hintaying tumama ito sa aking katawan ngunit dumaan nalamang ang maraming segundo ay hindi ko pa ito nararamdaman tanging ang narinig ko lang ay ang malakas na paghinto ng umaandar na isang bagay sa harapan ko.

"Miss ayos ka lang ba? Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata ng marinig ang pag aalalang tanong isang lalake.Tinitigan ko siya bakas parin ang takot at pag aalala sa mukha niya napangiti ako sa kaloob looban ko dahil nakakita na naman ako ng gwapong lalake...kilan ba nauubusan ng ganito sa mundong ito?

"Miss idadala na kita sa hospital!" Rinig kong sabi niya..Hospital? Ano iyon?

"Saan mo ako dadalhin?" Nagtataka kong tanong kaya mapatingin siya sakin.

An Angel Without WingsWhere stories live. Discover now