AO1 POV's(A/n: AO1 Stand for Angel 01)
"AO1 saan ka na naman ba pupunta diba sinabi ko na saiyo na huwag kang aalis dito!" Napapikit nalang ako ng mata ng marinig ko ang sigaw ni San.Pedro..Naman malapit na akong makalabas ng Langit!!
"San.Pedro naman hindi ba pwedeng mamasyal..'to naman diyan lang ako sa tabi tabi!"
"Anong tabi tabi..eh lagi mo nga akong tinatakasan para pumuntang sa mundo ng tao kahit wala namang ibinigay saiyong misyon!" Panenermon niya..Hay!!strekto si San.Pedro:)
Padabog naman akong pumasok sa tarangkahan papasok sa langit.Tss ang higpit magbantay ni San.Pedro.
Nga pala..ako si AO1.Sa mundong ito kaming mga anghel ay tinatawag batay sa aming numero at oo ako si AO1 at ang tungkulin namin ay bantayan ang napili naming tao sa misyon at matatapos lang ang misyong iyon kapag namatay na ang taong iyon.labis na pinagbabawal samin na ibahin ang kapalaran ng taong aming binabantayan.Bawal namin silang pakialaman sa buhay nila bilang isang mortal na kahit ayaw namin silang mapahamak ay wala kaming magagawa kundi tignan sila at tanggapin na iyon na ang kanilang katapusan.At kaya ko gustong pumunta sa mundo ng mga buhay dahil sa maganda ang mundo nila may mga bagay kasi akong nakikilala na tunay na nakakapagmangha sakin ng sobra.
Padabog akong napaupo at tinitignan nalamang ang masayang nagtutug-tugang mga anghel.Wala akong kaibigan dahil sa hindi masyado ako nakikisalamuha sa ibang mga anghel.
"AO1..ang ganda ng pakpak mo..alagang alaga ha!" Masayang sabi sakin ng isang babaeng anghel.
"Naku salamat nakakagalak naman ang sinabi mo!" Nahihiya kong sabi. Maraming anghel ang nagsasabing ang pakpak ko ay tunay na naiiba dahil ito raw ay napakaganda dahil kapag nasisinagan ito ng liwanag ay kumikinang ito na animo'y isang bituin.
"Tara sama ka samin tutug-tog tayo ng mga magagandang musika!" Yaya nito sakin ngunit umiling lang ako.
"Hindi na kayo nalang!" Pagtatanggi ko.
"Sige basta kapag gusto mong tumugtog pumunta ka lang samin!" Saad niya at agad na lumipad papalayo sakin.
Gusto kong pumunta sa mundo ng mga tao...nais ko ulit masilayan ang ganda ng kanilang mundo!
Yaeshton POV's
"Dude...oy..dude!!" Arghh ang ingay!!
"Dude..oy..langya hahalikan kita!" Sabi niya kaya napamulat ako ng mata at agad na napaupo sa kama pero sh*t biglang kumirot ang ulo ko.hangover dude!!
"Arghh...ano ba panira ka naman ng tulog!!" Galit kong sigaw
"Dude..late na tayo oy..kung di pa kita pinuntahan dito sa condo mo hindi ka pa magigising diyan..dali..hina mo naman ilang shot lang naman iyong ininom mo kagabi eh!"Sabi niya napagulo nalang ako ng buhok ko dahil sa inis.
********
Dahan dahan akong pumasok ng Room habang busy ang prof. namin sa pagtuturo ng biglang.
"Mr.Generalo.. you're late again...!" Sigaw niya kaya napatayo ako ng maayos.Sh*t napansin niya ako..may sa alien yata tong prof. namin.
"Obviously yes ma'am!" Sagot ko kaya napalaki ang butas ng ilong niya hahaha para siyang sasabog sa galit.
"Are you being sarcastic?"galit niyang sabi.
YOU ARE READING
An Angel Without Wings
FantasyIsang babae anghel na nawalan ng minamahal niyang pakpak dahil sa isang aksidenteng hindi naman buhay niya ang nakasalalay. Ang malaking tanong ay...hindi niya ba 'to pinag-sisihan?handa niya bang kalimutan ang kanyang pagiging isang immortal para l...