Pagkadating ko sa bahay dumiretso ako sa room ko to sleep. Gusto kong ipahinga yung katawan ko. I had too much for today. Kailangan kong maghanda for later. Paniguradong alam na nila Mommy yung nangyari.
.
.
."Kellie! " Huh? May Tumatawag ba sakin? "Kellie!" I opened my eyes and...Oh shit! Nakatulog ako. It's my Mom calling my name. Nakatulog pala ako while thinking some kind of things. Inayos ko yung sarili ko at bumaba.
Nasa hagdan pa lang ako kita ko na yung mga tingin nila Mom and Dad. Pero kunwari wala akong alam. Hihihi.
"Oh! Hi Mom and dad! You're already home? " painosenteng tanong ko at nagbeso sa kanila. Pero yung puso ko sasabog na sa kaba. Ikaw naman kase Kellie.
"Ano yung nabalitaan ko about you and Mia Hernandez?" seryosong tanong ni Mommy. Grr! Ito na yun. Well kahit babae yan si Mommy takot na takot ako diyan. Sa kanya yata ako nagman ng kasungitan e. Si dad kase sinusunod din naman palage yung mga gusto ko.
I look straight to her eyes. "Sorry Mom." malumanay na sabi ko.
"It's her fault naman kase My e. Sinayang niya lang yung food ko. Saka siya yung naunang mang away e. Sinabunutan niya ko. Kaya gumanti na lang din ako."It's okay now darling, basta sa susunod wag ka na ulit makikipag away okay?". Depende nalang kung di niya ulit ako aasarin. Naiirita ako sa pagmumukha niya e.
"Nasaktan ba ang baby girl ko?" natatawang tanong ni daddy.
"Daddy naman e! I'm not baby anymore. Stop calling me baby." Hindi na naman kase ako bata. Pero hanggang ngayon baby pa din tawag sakin. Nag iisang anak kase ako at sabi ni daddy ibibigay daw nila lahat sa akin."How was your first day so far?" tanong ni dad. Tsk. Nang aasar ba to? Alam naman niya na nakipag away ako magtatanong pa siya. Kung pwede lang paalisin sa school namin yung Mia na yun e.
"Dad. Kailangan mo pa bang itanong yan?" sabi ko. He just smiled at me. Knowing him, may kung anong iniisip na naman yan. At bago pa ako malagay sa hot seat.Nagpaalam ako na aalis. Gusto kong mamasyal.
Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng red floral dress at 2 inches na sandal. Diyan lang naman ako sa malapit na park. Tinanggal ko muna yung salamin ko at bumaba na.
"Ingat ka Kels ha?" my Mom said.
"Yes Mom!". Nagbeso muna ako sa kanila bago umalis. Sumakay nako sa kotse at pinaandar ito. After 5 minutes, Nandito na ako sa park. Hay..Ang sarap talaga tingnan ng mga bata habang naglalaro. Parang wala silang iniisip na problema.
I walk around to feel and breathe the fresh air. Pumikit ako to reminisce all of the memories when i was still a kid. Parang ang sarap bumalik sa pagkabata. Napamulat ako ng may narinig akong umiiyak. Who is it? I look around and saw a handsome kid crying, maybe nawawala siya.
Nilapitan ko siya and ask him.
"Hey. Why are you crying?" tanong ko dun sa bata. Tumingin lang naman siya sakin and then he hugged me. Kawawa naman siya. Sino bang kasama niya?
"Shh..Stop crying na. Sino ba kasama mo saka bat nahiwalay ka sa kanya? " nag aalalang tanong ko. " I was with my kuya kase kaya lang I saw a rabbit kaya sinundan ko yun. When I look back kuya is gone na." pagkwekwento niya.
"Hahanapin natin kuya mo okay?" sabi ko para tumigil na siya kakaiyak. Ngumiti naman siya kaya gumaan naman yung loob ko. Niyakap ko ulit siya pero bigla siyang sumigaw ng "Kuya!".
Tumakbo siya palapit dun sa lalaki at niyakap niya to. Teka he looks familiar. And i was right! It was him. The rude man who turned his back at me. Tsk. I was about to go when he called me.
"Hey!" tawag nito. So i looked at him. "Why?" i asked.
"It was you? " kunot noong sabi nito. Tatanda to ng maaga sa sobrang kasungitan. " It was me what?" pasungit ko ding sabi.
"Whatever. Just come with us." Huwaw! Ano daw? come with them.? Aangal pa sana ako pero pagtingin ko naglalakad na silang magkapatid. Kaya tumakbo ako para maabutan ko sila at tumabi dun sa bata. Ang cute talaga ng pisnge niya. Sarap pisilin.
Naglakad pa kami ng kaunti, Maya maya huminto kami sa may tapat ng ice cream. Ay si kuya! I know this ice cream place na kase I've here many times at dito din ako bumibili ng ice cream. Kilala na nga din ako ni kuya e.
"O Neng ikaw pala yan", masigla at nakangiting bati nito.
"Hahaha, Oo nga po e. Kuya yung paborito ko po ha? Baka pwedeng damihan niyo na din." nakangising sabi ko at sabay kaming humalakhak ni manong.
"Aheeem." pang aagaw pansin ni Casper kaya napatingin kami sa kanya. Tsk papansin talaga to. Napatingin siya sakin kaya inirapan ko siya.
"Aba! Boyfriend mo na ba yan neng? Ang gwapo naman. Siguro marami kang kaagaw diyan." nakangiting sabi ni manong. Ano daw? Boyfriend? E di ko pa nga masyadong kilala yang kumag na yan e.All I know about is his name.
"Haha ano ka ba manong! Hindi ko po siya boyfriend. Kakakilala ko pa nga lang sa kanya e." ngiwing sabi ko. At tumingin ako sa kanya pero nandun na naman yung cold expression kaya umiwas nalang ako ng tingin at sa halip ay ibinaling ko ang tingin ko sa kapatid niya.
"Uh..Anong flavor ng ice cream mo?" tanong ko sa kanya.Hihi di ko pa alam pangalan niya e. Sorry.
"Ah Chocolate flavor nalang po" sabi nito sabay tumingin sa kuya niya. "E ikaw kuya Skye?" tanong nito sa kuya niya. But wait? tama ba narinig ko? Skye? I thought Casper is his name. Tumingin ako dun sa bata na parang nagtatanong. At mukhang naiintindihan naman niya.
" Casper Skye po kase is his real name. But i usually call my kuya his second name" paliwanag nito. Kaya napatango nalang din ako. Hmm Skye is really much better.
Pagkatapos naming kumain ng ice cream. I decided to go home na din kaya nagpaalam na din ako sa kanila.
"It's getting late na kaya i have to go home already." paalam ko kay Casper. Tumango lang ito. Kaya tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo sa kanila. Pero —.
"Thanks Lie" ( Ly) pahabol na sabi nito. I just nod and walk toward my car. I get my key in my bag and drive home.
Thank you for reading. Wait for my next update!😘