Chapter 9

849 74 11
                                    

Casablanca, Morocco

Sa isang Mansion na natatanaw ang karagatan ng Atlantic Ocean, nakatanaw sa salaming dingding ang isang may edad ngunit matikas na lalaki. Isang Filipino-African, nakasuot ito ng all black coat and pants and wearing a black hat habang himihithit ng tobacco. Ang isang kamay ay nakapamulsa.

May ilang kalalakihan ang nakakalat sa malawak na silid at sa hardin sa ibaba na natatanaw mula sa kinatatayuan nito. May lumapit ditong isang tauhan nito, bald and has a well built body. Parang sa isang wrestler o bouncer. May mukhang nakakatakot, sa kaliwang kamay nito ay nakatatak ang marka ng pagiging miyembro ng organisasyon na iyon.

"Boss, I just received a call from Geoff. They just landed in the Philippines." sabi nito sa malagom na tinig.

"How about the girl?" hindi lumilingon na tanong nito.

"Ms. Dela Merced arrived an hour earlier. Our men in the country has her location already." sagot nito.

"Good! Tell them to execute the plan ASAP! We are running out of time. Our connection in CIA just told me that someone is digging about our operations." sabi nito sa tauhan bago muling humithit ng sigarilyo. "Tell them to do it properly now. What happened in Paris should not happen again or else they would pay it with their lives." may diing dagdag nito.

Sa narinig ay tumigas ang mukha ng tauhan nito. Alam niyang seryoso ang boss niya sa sinabi nito. Ang hindi inaasahang pangyayari sa Paris ay kamuntik ng ikalagay sa alanganin ng plano nila. Sa paanong paraan at kung sino ang may gawa ng pagatake na nagpatulog sa lahat ng mga tauhan nila sa hotel na iyon ay hindi pa nila nalalaman sa ngayon. The attack happened so fast and their men were caught surprised and unprepared. Hindi nila inaasahan na may lihim na nagbabantay sa dalagang modelo. Malamang isa sa mga tauhan ng ama nito.

Sa paraan ng pagatake sa kanilang mga tauhan halatang bihasa sa pakikipaglaban ang kung sino man gumawa ng pagatake. Accordimg to his men, iisa lamang ang umatake sa mga ito. Maliban sa dalawang taong regular na naka monitor sa modelo ay may tatlo pang naka abang bilang back up at kabilang doon si Geoff. Ito at ang tatlo pang kasamahan ay nananatili sa loob ng silid na inuukupa ng mga ito. 1 out of 5. At malalaking tao lahat ng mga ipinadala niyang tauhan at bihasa rin sa pakikipaglaban. Ngunit lahat ay napatumba nito na hindi lamang nakagawa ng kahit na anong ingay o gulo sa loob ng silid na iyon. His men were left unconscious after less than 5 minutes of fighting accordimg to Geoff.

He could have killed his men but he chose not to. Naisip nilang umiiwas din sa iskandalo ang gumawa niyon at siguradong naka check in din ng hotel. He might have thought that if the hotel management found dead bodies in 1 of its hotel rooms siguradong walang guest ang makakaalis unless natapos ang invistigation ang that might have exposed him. Very wise, halatang professional ang taong iyon. And he will find out who it was. Sigurado siyang nasa Pilipinas din ito kung ang trabaho nito ay lihim na bantayan ang dalagang modelo.

"Boss, this man. He could have killed the boys at the hotel. With his skills, I think we need to be more careful." nakatiim bagang na sabi lalaki sa amo nito.

Nanatiling nakatanaw sa labas ng bintana ang nakaitim na lalaki bago nagsalita.

"There are people I paid to know the identity of that man. Let me worry about him. Just do your job properly this time and don't fail me again or else I will kill you myself." sagot nito bago siya nilingon at tinitigan ng matiim sa mga mata. "Am I making myself clear?"

Scared. The man nodded nervously before answering. "Yes Boss."

Manila, Philippines

"You knew?!" may pangaakusa sa tinig at tingin na baling ni Marydale sa binatang balewalang nakaupo sa pang isahang sofa sa silid aklatan ng ama niya.

The Warrior & The Wild Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon