Chapter 34

1K 61 8
                                    

Nang mga oras na iyon ay nagkakagulo na sa rest house na pagmamayari ni Arnulfo Dela Merced.

"Mr. Fortalejo, I need you and your family to stay in library. Any moment now, Sebastian Cuervo and his men will be here. I need to ensure your safety." si Gabriel na iginiya si marydale, ang mga magulang nito at ang ninong at ninang niya pati na ang papa ni Edward sa library ng ninong niya.

" I can fight those bastards young men. "ang papa ni Edward na kumuha na ng baril sa lamesang naroon.

"You can stay with them and protect them Mr. Thompson. And, I don't think Edward would like it if he knew that I let you fight with us." Ten tried to convince him.

"Are you underestimating my capacity young man?" kunot noong tanong ng papa ni edward dito.

"Of course not sir! You are a well-known marks man in your days at the agency and you fought well too." mabilis na depensa ni Ten. "But we need someone to look after them." he said seriously.

Napapabuntong hininga naman ang papa ni edward. "Okay. Even though I know you're just trying to trick me." napapailing na sabi nito. "I'll stay with them. But, I'm keeping the gun with me." sabi nito bago nauna ng pumasok sa library. Sumunod naman agad ang mga magulang ni Marydale habang hindi nakapagpigil na nilapitan ni Marydale si Gabriel para magtanong.

"How about my husband?" may pagaalala sa tinig na tanong niya sa binata.

"Don't worry about Edward Miss Fortalejo. He is one of the best agents the agency has ever had and he's with the best team the agency ever had." nakangiting sabi nito. "That bastard wont last an hour if he fight with them. He's the one who underestimated us." sabi nito, ang mga mata ay may kislap ng pagmamalaki.

"You better go inside now. We promise to protect you with our lives." sabi nito sabay giya sa kanya patungo sa silid aklatan.

Matapos maisara ni Gabriel ang pinto ay lumabas na ito kasama si Ten at tatlo pang tauhan ni Arnulfo.

"Ten, go to the roof." si gabriel.

"Copy. This night wont be that boring after all." sabi nito na pasipol sipol pang tumalon at inakyat ang isang malaking puno habang hawak ang first class rifle at pumwesto sa bubung ng rest house. Mula doon ay tanaw niya ang mga ilaw ng mga sasakyang palapit sa kinaroroonan nila.

" Damn! He brought the whole gang." naiiling na sabi nito sa sarili.

Samantalang si Gabriel ay nagbigay ng instruction sa mga naiwang tauhan sa ibaba. Dalawang tauhan ang ipinaiwan niya sa labas ng pinto ng library at tigdadalawa naman sa bawat pinto na pasukan sa loob ng bahay. The whole house was set to darkness at tanging lampshade lamang sa loob ng library ang may sindi. Kung titingnan sa labas ay napakadilim ng kabahayan.

Gabriel and the other guys waited at the entrance of the property. Alam niyang bago pa makarating ang mga ito sa bukana ng propriedad ay wala na sa kalahati ang mga ito. Ten is very good at long range shooting at alam niyang wala itong papalagpasin isa man sa target nito. But he also knew na sa dami ng paparating Ten could only do much. He can help them in hand combat though.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na ang palitan ng putok nila Gabriel at mga tauhan ni sebastian cuervo.

Samantalang ng mga oras na iyon naman ay nagsimula narin ang labanan sa pagitan ni Edward at ni Andrew Kurt.

Edward used his elbow to hit Andrew's back. Napasubsub ang huli sa upuang naroon, tinagka ni edward na sundan ng suntok ang ginawa ngunit sinipa siyang ni andrew. He fell to the floor at nagtangka si Brad na tulungan siya but he stopped him.

"This is our fight. You stay back." humuhingal na awat niya sa kaibigan bago muling sinugod ang kalaban. He gave out a flying kick that hit his enemies head. Bumagsak ang duguang mukha nito ngunit imbes na umungol sa sakit ay tumawa pa ito.

The Warrior & The Wild Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon