Chapter 13

900 63 13
                                    

Marydale had been running forever. Hindi na niya kayang makatakbo pa. She'd take another step.. and then another... and another.

At sa isang maling hakbang niya ay nasabit ang paa niya sa nakausling malaking ugat ng kahoy at napasubsob siya sa lupa. Paimpit siyang napasigaw, hindi niya ibig na marinig siya ng mga lalaking humahabol sa kanya. Alas tres ng hapon ng maisipan niyang magtungo sa batis sa loob ng gubat ng isla. Malapit lamang ang batis sa bukana ng gubat at gamit ang kabayo ay madali niyang natungo ang bungad ng gubat sa harap ng Villa na nagsisilbing harang ng Villa dahil wala itong bakod.

Ilang minuto na siya sa batis ng makarinig ng kaluskus sa may mataas na bahagi ng gubat, hustong lilingunin niya ang pinanggalingan ng kaluskus ng biglang may tumakip sa mga labi niya at nawalan siya ng malay. Ng bumalik amg kanyang ulirat ay nakahiga siya sa damuhan at may dalawang lalaking nakatalikod sa kanya at sa wari niya ay nagpapahinga mula sa malayong paglalakad.

Ilang minuto ang kanyang pinalipas bago kumuha ng tiyempo at tumakbo palayo sa dalawang lalaki. At iyon ang mga humahabol sa kanya ng mga sandaling iyon. Pinagsisisihan niyang umalis siyamg walang kasamamg taga Villa.

Mula sa kinabagsakan ay hindi na siya tumayo at nanatiling nakaupo roon at nagsiksik sa malaking puno. God! It's getting dark at hindi niya kabisado ang parteng iyong ng gubat, hindi pa niya na pupuntahan ang bahaging ito ng isla kahit pa nga pagaari nila ang buong isla. At sino ang mga taong ito? Paano sila nakapasok sa isla? Ano ang kailangan ng mga ito sa kanya? Sa tingin niya ay mga banyaga ang mga lalaki. Ang taas ng mga ito ay hindi ordinaryo para sa isang pilipino. She knew because she had worked with different male models with different nationality. Alam niyang hindi mga pilipino o taga isla ang mga lalaking nagtangkang dukutin siya.

Niyakap niya ang mga binti at nilinga ang buong paligid. Nakikiramdam. Dumidilim na at lumalamig narin at dahil makakapal ang mga dahon sa gubat at para naring gabi amg dilim sa loob nito. She must have run, crawled, walked in the woods for hours at ramdam na niya ang pagod at gutom.

Matagal ang sandaling nanatili siyang nakasandal sa malaking puno. She grimaced and shivered when her hand touched something slimy. At dahil madilim ay hindi niya masiguro kung ano ang nahawakan niya. She started to panic ng maramdamang unti unting bumubuhos ang ulan. Kanina sa Villa ay sinabihan siya ng matandang kasambahay na huwag magtatagal sa batis dahil malamang na umulan. Ngayon siya nagsisisi na hindi siya nakinig sa matanda.

She was starting to tremble from fear. Doon sa mga lalaking humahabol sa kanya at sa kadiliman ng gubat. Mula sa mga nadaanan niya ay wala siyamg makitang bakas na may nakatira sa loob ng gubat, kahit maliit na kubo na maaari sana niyang silungan dahil sa ulan. At nagsisimula na siyang manginig sa pinaghalog lamig at takot na nararamdaman. Hindi ma niya magawang magpatuloy pa sa pagtakbo o kahit man lang lumakad. She couldn't even more herself. Makirot na ang buo niyang katawan.

Oh, God, please.. Please. How can I survive tonight? She was sobbing softly. Would she survive till morning? Paano kung matagpuan siya ng mga lalaking humahabol sa kanya? Paano kung mamatay siya sa lamig at sobrang gutom? Mga katanungas sa isip niya na hindi niya mahanapan ng solusyon.

Again, without a sound, she sobbed hysterically. She knew there is nothing she can do at that moment. At sa kaunaunahang pagkakataon, ibig niyang pagsisihan ang mga pagsuway niya sa ama niya.

Matagal siyang nanatili sa ganoong ayos. If hypothermia could kill, perhaps too mich trembling from fear could kill too. Napaangat ang ulo niya mula sa pagkakasubsob sa mga binti niya. Mga tuyong dahong natatapakan ang naririnig niya. Hindi iyon kalayuan mula sa pinagtataguan niya at papalapit.

Trembling, she turned around her. Sinisikap niyamg tapangan ang sarili at magmulat ng mga mata upang kahit paano ay maaninag ang paligid. Kinapa niya ang makapal na kahoy na kanina pa niya mahigpit na hawak. If she will to die tonight, she will die fighting for her life!

The Warrior & The Wild Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon