PART 10

24 8 0
                                    


NANG marating muli ni ken ang kanyang kwarto at inalala ang narinig walang pagsidlan ng kanyang kasiyahan ng malaman nyang hiwalay na si Abigail at ang nobyo nito sa isip ni Kennedy masama na kung masama ang ipag diwang ang pag hihiwalay ng mga ito ngunit masaya lang talaga sya kaya buo na ang kanyang pasya ipahihiwatig na nya sa dalaga ang kanyang pag ibig para dito.

Samantala katatapos lang ni Abigail mag linis ng katawan at nag hahanda na sa pag tulog ng tumunog ang cordless phone sa kanyang side table agad sinagot ito ng dalaga

"Hello..."-abby

"Yes abby its me! I think we need to hold your extended makaka uwi kana iha actually gising na ang mothers in laws ko siguro konting pahinga lang then magiging okay na sya then 1week before you leave iha babalik kami Jan, ang paki usap kulang ikaw na munang bahala Kay Kennedy hanggat wala kami Jan ha! Well kung exited ka just pack your things haha joke lang I'm happy for you abby sige bye "-julie

Speechless parin ang dalaga matapos ang mahigit sampung minuto hindi mawari kung matutuwa ba o ano hindi ba dapat masaya sya pero bakit ? Bakit parang walang sigla ang kanyang puso Simula ng halikan sya ng binata ay ginulo nito ang nanana himik nyang mundo sa twing makikita nya ito para silang nagka kailangan ngunit sa pakiwari ni abby sya lang ang naiilang at satingin nyay walang balak mag sorry ang binata sa ginawa nitong pag halik sakanya.

Sa mahabang pag iisip ng kung ano ano nakaramdam ng pagka uhaw ang dalaga lumabas ng kwarto na naka pantulog ng ternong panjama at sando shirt tumuloy sa kusina at kumuha ng isang bote ng tubig sa refrigerator matapos uminom muli syang naglakad pabalik ngunit napansin nyang may tao sa sala pero naka off ang ilaw hindi rin nakatiis si abby lumapit sya dito nakita nya ang binatang natutulog sa sofa ngunit sa mesa nagkalat na naman ang beer can napansin ni abby na maraming nainom ang binata.

Tatayo na sana ang dalaga ng makita nya ang posisyon ng binata naisip nyang mangangawit ito kung magtatagal ng ganun kaya ginising ito ni abby nagising ito ngunit lasing parin kayat inalalayan ito ni abby hanggang makarating sa kwarto ng binata ng ibaba ito ng dalaga sa kama ay na out balance siya kaya ang nangyari si abby ang naka higa habang naka ibabaw sakanya si ken buong lakas tinutulak ni abby si ken ngunit walang silbi ano ngabang lakas nya sa dambuhalang ito bumaling sa gilid si ken kaya nagka roon ng pagka kataon si abby na bumangon subalit bago pa maka galaw si abby nayakap na sya ng mahigpit ng binata na para bang nakayakap ito sa isang malambot na unan pinalipas nalang muna ni abby ang ilang sandali nag babaka sakaling gumalaw ulit ang binata at magkaroon sya ng pagkakataon makawala sa pagkaka yakap nito subalit lumipas ng lumipas hindi parin sya maka alis dito kayat hindi na namalayan ni abby dala narin ng antok tuluyan na syang nakatulog sa bisig ng binata.

Madaling araw nang maalim pungatan si ken magiinat sana sya dahil pakiwari nyay may naka dagan sa kanyang braso ngunit ng idilat ang kanyang mata ang dalaga mahinbing na natutulog habang naka unan sa kanyang braso at nakayakap ito sa kanyang baywang malawak ang pagkaka ngiti ni ken habang nakatitig sa maamong muka ng dalaga mabilis nya itong hinalikan sa labi at muling pinikit ang mata upang bumalik sa pag tulog naging magaan ang pakiramdam ng binata ngunit sa pag pagmulat muli ng kanyang mata maliwanag na at wala narin ang dalaga.

Nang magising si abby nahiya naman sya sa kanyang posisyon nakaunan sa braso ng binata habang nakayakap pa dito kakaibang damdamin ang bumabalot sa kanyang puso sa twing kalapit ang binata ngunit ang damdaming yon ay kahit minsan hindi nya nadama sa bisig ng dating kasintahan.

Sa yakap at halik ni ken sakanya ay nagdudulot iyon ng kakaibang sensasyon nag hahalo halo ang nadarama nag dudulot ng masidhing pag tatangi ngunit hindi alam ng dalaga kung paano ito tutugunin.

Halos pakiramdam ni abby parang bumilis ang pag lipas ng mga araw 2 week's nalang ay makaka uwi na sya pilipinas wala syang pinag sabihan na hindi na tuloy ang 1year extend.balak nyang I surprise ang kanyang pamilya. yun ang balak nyang maging excuse sa mga ito ngunit ang totoo ayaw nya talagang sabihin sa mga ito dahil alam nyang maka karating iyon Kay Calvin. Napaisip ang dalaga paano kung muli syang suyuin nito? Ano ang kanyang Gagawin? May lugar pa ba ito sa kanyang Puso? Sari saring tanong.

My First Romance (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon