Chapter 1: A Month With You is A Living Hell
[Yami's pov]
"Master wake up! Master Yuukito!" Malakas na sigaw ko sa lalaki na mahimbing na mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang kama. Kanina pa ako nandito para gisingin siya pero tila wala itong naririnig at mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Napailing ako ng ulo at napameywang habang nakatingin sa kanya.
Naku! Naku! Baka ako ang mapagalitan ni Ma'am Sophia kapag hindi pa rin siya bumangon.
"Master naman! Gising na!" Malakas kong sigaw muli at buong lakas na hinigit ang kumot na nakabalot sa kanya.
"Arrgh! Give me 5 minutes" Inis na sagot ni master at tinakpan pa ang kanyang mukha ng unan.
Umikot ako sa kanyang kama at nakipag-agawan ng unan sa kanya. "Master kapag hindi ka bumangon! Naku makikita mo!" Gigil na banta ko sa kanya
Biglang binitawan niya ang unan kaya nawalan ako ng balanse at tumilapon sa sahig. Napahawak ako sa aking pwetan na nasaktan sa nangyari. Pagsilip ko sa aking master ay tinalikuran lang ako ay nakahiga pa rin sa kanyang kama.
*inhale*
*exhale*
Unti unti na ako nawalan ng pasensiya sa aking master. Sa huli ay isasagawa ko na ang huli kong alas para gisingin siya. Inangat ko sa aking siko ang manggas ng aking uniporme at bigla...
"Kyaaaaah!" Sigaw ko sabay lundag sa kanya sa kama at inipit ang kanyang ulo sa aking mga braso.
Pilit kumakawala ang aking master at inaalis ang aking mga braso na naka-headlock sa kanya. Tinapik tapik niya ako na nabibigay ng senyales na sumusuko na siya. Napangiti ako at agad siyang binitawan. Umubo ubo pa si master na habang hawak ang kanyang nasaktang leeg. Mamula mula pa ang kanyang mukha at pilit hinahabol ang kanyang hininga.
Nang mahimasmasan siya ay binigyan niya ako ng matalim na tingin. "What the hell Yami!" Galit na sigaw ni master. "Balak mo ba akong patayin?"
Ngumiti lamang ako sa kanya ng painosente saka magalang na yumuko sa kanya. "Good morning Master Yuukito." Bati ko sa kanya. "Kanina pa po nag-aantay si Ma'am Sophia para sabayan niyo siya sa agahan."
Napahilamos ng kamay si Master Yuukito sa kanyang mukha. Halatang nagtitimpi ng galit sa aking ginawa sa kanya.
"Fine! Bababa na!" Sukong sabi niya at halos umusok ang ilong sa sobrang galit. "Arrgh! Kung hindi ka lang babae!" Nanggigil na dagdag niya at inakma kamao niya sa akin sa ere.
Isang victory smile naman ang sinagot ko sa kanya na lalong ikinainis ng aking master.
"Labas na!" Sabi ni master at pilit akong tinutulak palabas ng kanyang kwarto.
"Hoy master bumaba ka na huh!" Bilin ko pa sa kanya bago niya pabagsak na isinara ang pinto ng kanyang kwarto sa akin.
Ngiting ngiti ako na nagtungo ng hapagkainan sa loob ng mansyon ng mga Taguhara. Siguradong naiinip na sina Ma'am Sophia at Sir Fred, ang mga magulang ni Master Yuukito, sa tagal ni master na bumaba.
Naabutan ko sila na inaabala ang kanilang sarili. Si Ma'am Sophia ay abala sa pakikipag-usap sa kanyang phone samantala naman si Sir Fred ay nagbabasa ng dyaryo para alamin ang palitan ng mga dolyar sa peso at iba pang balita tungkol sa ekonomiya ng bansa.
Kahit may karangyaan sa buhay ang mag-asawa ay masasabi ko na mababait ang mga ito. Mula pagkabata ay naninilbihan na ako sa kanilang mansyon kaya tila sila na rin ang tumayo kong mga magulang. Hindi naman rin nila akong tinuring na iba sa kanila.
BINABASA MO ANG
He is My Master (C0MPLETED)
RandomNagsimula ang lahat sa kasunduan ng dalawang pamilya na ang Guna ay maglilingkod habang buhay sa mga Taguhara. Alam ko hindi na bago ang master-slave love story at isang forbidden love pero sana subaybayan natin ang pag-iibigan at paglaban nina Yuu...