Chapter 2: Yuukito's Monster *edited*

3.6K 122 0
                                    

Chapter 2: Day 1: Yuukito's Monster

[Yami's pov]

"Taaadaaa! Breakfast for my master are bacons, hotdogs and bread with your favorite hot black coffee!" Masayang sambit ko habang pinapakita ang niluto kong pagkain kay Master Yuukito.

Kita ko ang pagputla ng mukha ni master nang makita ang mga putahe na nakahain sa mesa. "Do you call this food?" Sabi ni master habang nakakunot ang noo nakatingin sa pagkain. "Niloloko mo ba ako Yami? Luto ba ang tawag mo rito? E halos magkulay itim na ito sa sunog! Gusto mo ba ako mamatay sa pagkain niyan?" Reklamo pa niya at tinulak palayo ang mga niluto ko.

Napayuko ako ng aking ulo. I admit hindi ako marunong magluto. Si Ma'am Sophia kasi ang nagluluto noon pa man. Minsan ay tinuturuan naman ako ngunit wala talaga ako talento sa pagdating ng pagluluto. Ngunit sa iba namang aspeto ay alam kong nakakahigit ako.

Akala ko mapapansin ni master na sunog yung pagkain kaso masyado pala siya observant.

Nakabusangot si master at sinubukang inumin ang kapeng ginawa ko para sa kanya. "Pwe! Ang pait ng kape mo!" Naiinis na sigaw ni master sa akin at padabog itong binaba sa mesa.

Tinalikuran na ako ni Master Yuukito.
"Mas mabuti pa na school na lang ako kakain! Baka wala pang isang araw na wala sina mama at mamatay ako sa luto mo." Sabi ni master at kita ang frustration sa kanyang mukha dahil sa pagkain na inihain ko sa kanya.

Tinignan ko ang kanyang papaalis na pigura sa mansyon. Napatingin ako sa mga pagkain na niluto ko na hindi man lang nagalaw.

Napahawak ako sa aking tiyan ng tumunog ito. Gutom na rin ako kaya ang nangyari ay ako na rin ang kumain sa sarili kong luto. Napangiwi ako ng matikman ang mga ito. Mapait pait pa dahil sa mga sunog na parte tapos may ilan pa na hilaw ang pagkakaluto. Gayun pa man ay nakakain pa ang mga ito.

Pagkatapos kumain ay nilinis ko muna ang buong mansyon. Ayoko naman na madatnan ni master na madumi mamayang pag-uwi niya kaya talagang pinag-igihan ko ang pag-alis ng bawat alikabok sa bawat sulok.

Nang matapos ay mabilis akong naligo at nagbihis. Nilock ko ang mansyon at nagsimula na magtungo sa aking school, ang Taguhara University. Mula pa lang sa pangalan ay pagmamay-ari ito ng pamilya ni Master Yuukito.

Dahil may kalapitan ito sa mansyon ay madalas na nilalakad ko lang ito tuwing pagpasok at pag-uwi. Ewan ko nga kay master kung bakit nakakotse pa kung pumasok. Pollution lang naman ang dinadagdag niya sa hangin.

Pagdating sa school ay naagaw ko na ang atensyon ng lahat. Tinignan nila ako ng buong paggalang at paghanga. Kinikilala ako bilang kinatatakutang presidente ng Student Council.

Nakuha ko ang posisyon iyon mula sa aking pagsisikap at pagtitiyaga. Kahit nga sina Ma'am Sophia at Sir Fred ay proud sa aking achievement. Ayaw nila na dahil isa akong lifetime servant ni master ay pababayaan ko ang aking sariling pangarap.

Dahil doon ay taas noo ako ngayong nakapaglalakad rito sa eskwelahan.

"Good morning Yami!" Masayang pagbungad sa akin ng aking bestfriend nasi Shia Melendes

Si Shia ay nakilala ko sa first day ko pa lang sa unibersidad. May katangkaran siya, balingkinitan ang katawan at may katama tamang kulay lang balat. Marami rami na rin ang nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya man lang ito pinag-uukulan ng pansin.

"Good morning bes!" Magiliw ko ring bati sa kanya. "Kamusta ang bakasyon mo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Ay naku Yami! Ang ganda ganda ng mga beach sa La Union. Sinubukan ko mga mag-surf at mamasyal sa iba ibang lugar roon." Masayang pagkwekwento niya. "Sayang hindi ka sumama sa akin!"

He is My Master (C0MPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon