Kabanata 1

198 22 2
                                    

#TFHEWP

June 5, 2020

"Hoy Ei! Asan ka na ba? Kanina pa nagdadabog dito si sir!" Natataranatang ani sa akin ni Amiah sa kabilang linya.

Nagmadali ako sa pagdamit, late na kasi ako nagising at hindi ko rin kasi narinig yung alarm ko, nakakainis! 7:30am pa naman call time ko ngaun!

"Paalis na, Mia. Pastall lang saglit si Boss." Pakiusap ko sa aking kaibigan, habang inaayos yung belt ko.

"Ikaw talaga! Alam mo naman ikaw pinakapaborito ng ating amo, late ka nanaman!" Mala-sarcastic niyang sinabi.

Umirap ako sa ere, "Hay nako, subukan niya lang, susukuan ko na talaga yan!"

Sinuklay ko yung straight kong buhok gamit ang aking daliri, naglagay lang ako ng konting liptint, at pamadali pinaghahakot lahat ng gamit kailangan kong dalhin.

"Fuck!" I groaned, nang marealize ko naiwan ko pa susi ko. Binalikan ko to, tsaka sinarado nang maayos ang pinto.

Tiningnan ko ang aking relo, habang inaantay ang elevator. I was pacing back and forth dahil hindi na ako mapakali.

Oh my god! Less than 20 mins na lang, quotang quota na talaga ako sa amo naming demonyo!

Thirty minutes usually inaabot biyahe ko papunta sa office galing sa bahay, sadly, mukhang hindi pa ata sang-ayon ang tadhana ngaun, ang trapik sa mga dinaanan ng jeep! Hindi lang yon, nabanga pa!

"Ano ba yan!" Reklamo ko.

Tumayo na lang ako at bumaba na, halata naman matatagalan pa ang pagaayos non. Ang mga jeepney drivers kasi, mahilig mangarera, kapag naman nakabunggo, ano na? Wala na? Wala naman sila sapat na pera para mabayaran yung nakabanga nila!

"Good morning Ms. Eirene!" Maligayang bati sa akin ng guardia sa building namin.

"Good morning manong!" Binati ko rin siya pabalik, nagsign ako sa log book, at pumasok na sa elevator na pinindot para sa akin ni manong.

"Late ka nanaman Ms!" Natatawang sabi ni Manong.

Namula mukha ko sa hiya, grabe! Quota na ata nga ako! "Grabe ka manong, natrapik lang! Mainit daw ulo ni boss?"

Bigla nagbago itsura ni Manong. Mukha siyang natakot sa sinabi ko. "Ms, akyat ka na, for sure hinahanap ka na ni sir."

Maslalo akong kinabahan sa biglang pagbabago ni manong. Galit nga yon.

"Nako Eirene, lagot ka nanaman, may idinidiin siya na palpak daw sa presentation." Bulong sa akin ni Amiah, nang nakarating ako sa office.

Bumuntong hinga ako. Tsaka tamad hinarap si Mia, "Hayaan mo na, ayusin na lang natin. Tara, puntahan na natin siya." 

Sabay kami ni Mia pumunta sa main office. Nandun kasi office ni boss.

"Sir, nandito na po Amiah at Eirene." Ani ng kanyang sekretarya sa kabilang linya.

Nang makalipas ng ilan minute, pinapasok na rin kami ng sekretarya niya. Agad itong yumuko at nagmadaling umalis.

Shit!

Huminga ako ng malalim para humugot nang lakas. Ganto kami lagi kapag galit si boss. Simula nang magtrabaho ako dito, parang lagi na ata ako napagdidiskitahan ng aming amo!

Minsan iniisip ko na baka sadyang gago lang tong amo namin at ginagago lang kami para may mapagbuntungan siya ng galit niya e! Pro na ako dito, pero after kong magtrabaho dito ng halos magdadalawang taon! Ayoko na!

"Sir" ako na unang nagsalita para sa aming dalawa pagka-pasok namin.

And just like what I am expecting, agad akong umusog sa gilid, bracing myself for the upcoming papers na itatapon niya. Muntik na matamaan si Amiah.

That Familiar Happy EndingWhere stories live. Discover now