#TFHEWP
**be warned: too many bad words**"Ano? May balita na ba?"
Inirapan ko na lang si Amiah sa kabilang linya. Pang ilang ulet niya na yon na tanong simula nung ipinasa ko ang resúme ko sa Seize.
"Amiah, fresh grad ka ba? Parang hindi ka pa sanay, alam no naman na isa hanggang dalawang buwan higit ang processing ng mga papeles ng applicante, natural wala pa. Hep, subukan mo magtanong ulet, i-blo-block ko na numero mo."
Humalaklak siya sa kabilang linya. "Oo na. Pero yung pinangako mo sa akin a! Wag na wag mo kong biguin. Gagawin mo yon a! Feeling ko naman matatangap ka! Ang ganda kaya ng credentials mo!"
Napahinto ako sa ginagawa dahil sa binanggit niya. Oonga no! Ngayon ko lang naisip, ano nga ba yun ulet?
"Mia, ano nga ba ulet yung pinapagawa mo sa akin?"
"What?! Nakalimutan mo?! Pumayag ka na diba?" Natataranta niyang ani.
Napahilot ako sa aking sentido. "Hindi ba pwede bumack-out? Ano nga ba yun kasi?"
Huminga siya ng malalim. "Natatandaan mo yung part time job ko dun sa Abs-Cbn? May variety show kasi silang planong gawin, about..sa..." tumahimik yung kabilang linya.
Kumunot noo ko. "About sa?"
"About sa mga babaeng single na nangangailangang love life! Ano ka ba besh, hindi ka pa ba sawa magisa sa mundo? Nakakapagod rin tumayong boyfriend mo no! Sumali ka na!"
Napataas kilay ko dun sa sinabi niya. "Ayoko, reject that offer, now na!"
Ngumawa siya sa kabilang linya. "Eirene naman oh! Wag mo naman gawin sa akin to, nangako ka na e! Tangapin mo na kasi! Pangako, hindi ka magsisi! Bale gagawin mo lang naman dun ay...ganto, apat kayong babae, at may apat rin na lalaking mayayaman, tas may task kang gagawin kapag nanalo ka, mapipili mo yung lalaking gusto mo makasama sa buong show! Oh, win-win! May chance magkaboyfriend ka na, mayaman pa!" aniya na para bang makukumbinse niya ako sa sinabi niya.
Minsan napapaisip talaga ako kung paano kami naging close netong ni Mia e. Hindi naman ako mukhang naghahanap ng panibagong mamahalin.
Ipinatong ko yung cellphone ko sa aking tv at ibinuksan ito. "Bahala ka diyan Amiah Sevilla, hindi ko gagawin yon no! Hindi ako desperate for love! Atsaka, move on na ako at gusto ko na ang buhay single. Sige na baba ko na to, tatapusin ko pa yung emails na sinasagutan ko para sa interview."
Hindi ko na inantay yung sasabihin niya pabalik. Agad ko na lang binaba yung telephono at binuksan yung tv. Umupo ako sa may sofa sa tapat ng tv at ipinatong laptop ko sa aking kandungan at isa-isa binuklat yung emails ko.
Ngumiwi ako sa tambak-tamabak na emails na kailangan ko pang bayaran dahil sa pagkautang ni Emilio nuon.
I guess, tama nga na stupid ako sa love. Mas stupid rin ako for still doing these things para sa asshole na yon.
"Ano po pakiramdam niyo, lalo na ngayon, na nasa top leading apps na po yung Seize sa bansa?"
Napaharap ako sa tv pagkarinig ko sa tanong ng isang TV reporter. Naka upo sa sofa si Emilio. He's hair is disheveled, mas maayos na ito kumpara nuon na may bangs siya. He's not wearing his nerdy eyeglass anymore. He's wearing his normal expensive elegant suits. Surrounded siya ng reporters, flashes of cameras and long microphones are visible sa screen. He looks confident on the way he sit and answer bawat tanong ibinabato sa kanya. Nakayuko ito ng katamtaman lang, medjo magkahiwalay ang bended knees niya, nakapatong ang siko nito while his hands are close together.
Just like that, nagkakandarapa na agad sa kanya yung mga babae. Tangina, gwapo niya na kasi.
"Coming out as one of the leading food app in the industry wasn't my original intention," he manly chuckled. "All I was trying to do was offer something better to the consumers."
YOU ARE READING
That Familiar Happy Ending
RomanceThey say love is sweeter the second time around...but is it really? Eirene Sapphira and Emilio has started off relationships like normal teenagers did and got happily married for years. They were already happy with everything, yet things started cha...