Chapter 1

42 0 0
                                    

Astig, siga, bangis, tigas! Eto ang mga salitang naglalarawan kay Erica De Monteverde sa loob ng Marion International School sa Quezon City. Isang paaralang tanging mayayaman lamang ang may kayang makapag-paral ng kanilang mga anak.

Si Erica De Monteverde, kilala sa palayaw bilang “tomboyin” ay anak ng isa sa may-ari ng nasabing paralan at ang nanay nito ang nagsisilbing Presidente. Bilang solong babae sa tatlong magkakapatid, bata pa lamang si Erica ay nagiging sakit na ito ng ulo ng pamilya. Babaeng lalaki ang bansag sa kanya ng kanyang mga kababata dahil parang lalaki ito kung umasta, maglakad, at parang lumaki sa kanto kung magsalita. Dahil sa kapilyahan nito, di mabilang na katulong ang dumaan sa mansion ng mga De Monteverde.

“Aray kop o, nabasagan ata ako ng bungo.. huh hu hu! Sigaw ni Yaya Inday, ang may 12 taon nang kasambahay ng mga De Monteverde matapos tamaan ng batong hinagis ni Erica nong siya ay 9 years old pa lamang. Limang stitches sa batok ang tinamo ng babae.

Ang pangyayaring iyon ang tumapos sa halos 12 years na panunungkulan ng babae bilang kasambahay sa mansion ng mga De Monteverde. Ang nasabing insedente din ang naging umpisa ng malaking problema ng mag-asawa dahil walang tumatagal na katulong simula noon.

Third year high school sa edad na kinse anyos, si Erica ang naging lider ng exclusive sorority, Girls United. Kahit mga teachers ay ilag sa kanya. Walang katapat ang pagiging spoiled brat nito sa bahay at maging sa paaralan.

“Tomboyin, saan ang lakad natin mamaya”? tanong ni Lendy, ang malapit na kaibigan at member ng Girls United, ang pangalan ng kanilang exclusive sorority. Si Lendy Uy ay anak ng isang negosyanteng Tsinoy na nagmamay-ari ng ilang commercial buildings sa Pasig.  Kabaligtaran ng katigasan ni Erica, si Lendy ay ubod ng hinhin ngunit dahil sa magkaklase na ang dalawa simula pa kindergarten, naging matalik silang magkaibigan.

“Sabihan mo sila Kristel ay Joy na magdala ng paddle. Merong gustong maging member mamaya tingnan natin ang tigas!”, matigas ang boses na saad nito.

“Nanaman? Bakit kelangan pa ng paddle dib a binago na natin ang rules sa initiation rites?”

“A basta. Unfair yan sa mga new members nong nakaraang buwan. Sila naman ang papalo para makabawi. After nito siguro pwede nang wala”, unconvincing ang boses nito kaya iling na lamang ang naging tugon ni Lendy.

“Tomboyin, tomboyin, tomboyin!” Hiyawan ang mga members ng Girls United sa paparating na lider. Somewhere inside Marion High School, sa isang classroom ginanap ang initiation rites at kagaya ng sinabi, ang mga new members ang nagpaddle sa tatlong teenagers na gustong maging member.

Habang ginaganap ang initiation rites, palakad lakad si Erica sa harap ng tatlong nakaharap sa wall habang pinapalo ng paddle. Palakad lakad na parang nagsesermon.

“Tibay ng dibdib at katawan ang kailangan para makasurvive kaya tiisin nyo ang sakit. Chicken lang yan” paulit ulit nitong sigaw. 

Maya’t maya pa ay natapos din ang paluan.

Saktong palabas ng room ang grupo ng maispatan ng security guard.

“Hoy, anong ginagawa nyo jan, kanina pa ang uwian a?” sigaw ng guard sa di kalayuan.

“Bakit may problema ka”, sagot ni Erica sa guard na walang halong takot o pag-aalala man lang.

Bagong pasok ang guard at hindi nito kilala si Erica.

“Anong ginawa nyo ha? May Paddle kayo a.. siguro gumawa na naman kayo ng bawal?”

“Anong problema mo ha?”

Lumapit si Erica sa guard hawak ang paddle sabay hataw nito sa binti ng nauna.

Napaupo ang guard at namimilipit sa sakit sap along tinamo. Dinig na dinig ang lagatik ng buto ng binti nitong tinamaan ng paddle.

TomboyinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon