Minsan, sa buhay hindi mo maiiwasang laitin ka ng nasa paligid mo. Kung mataba ka, ang una nilang maiisip eh yung itsura mo hindi yung ugali mo. Maganda ka man o pangit, isa ka lang"baboy", "dabyana" , "taba","tababoy" at kung ano-ano pang pwede nilang ihalintulad sa taba mo, Eh Sila ? Perpekto ba sila ?,Alam ba nila ang pakiramdam na ipinamumukha pa sayo kahit alam mo na mataba ka. Hindi , kahit gano kakapal yang taba mo may pakiramdam ka parin! Tao ka parin ! nasasaktan ka rin! May mga bagay rin na hindi mo mapipigilan.
Wag mo sisihin ang sarili mo na mataba ka, di mo kasalanan yan kasi sadyang masarap kumain. At lalong lalo nang wag mo iisiping PANGIT ka. Pero wag mo rin namang ipag-sigawang MAGANDA o GWAPO ka! Mas ok na yung tahimik ka lang.
Palibhasa baka sa buhay nila , Pagtaba nalang ang di pa nila nagagawa. Hindi porket mataba ka eh hindi ka na magkaka lovelife. May tao paring hindi sa itsura binabase ang pagmamahal. Mayroon ding taong puso ang tinitignan.
Tanging ang pamilya at mga tunay na kaibigan lang nya ang nakakaintindi at nakakakita ng kabutihan ng loob nya. Eh, Pano nalang kung isang araw tumibok ang puso nya? Magbabago ba sya para magustuhan rin sya ng napupusuan nya ? Samahan natin si Jeizlyn Banez sa kanyang buhay bilang isang tabachoy.
![](https://img.wattpad.com/cover/20933652-288-k678770.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Story Ni Tabachoy (The Wild One)
Teen FictionKahit isa ka lang taong inaapi o tinutukso ng mga nasa paligid mo dahil sa iyong hindi maayos na pangangatawan o isa ka sa tinatawag na Tabachoy ay hindi ka dapat mawalan ng tiwala sa sarili. Hindi mo kailangang ibaba ang iyong sarili sa ibang tao...