Chapter Two

16 1 0
                                    

Kisha P.O.V

*KINABUKASAN*

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama saking mukha. Tiningnan ko yung cellphone ko para tingnan ang message ni jake sakin, lagi kase siyang may LSM sakin tuwing umaga at gabi, kaso nung buksan ko wala. Nakakapagtampo naman si love :(, baka busy lang siya.

Pumasok na ako sa cr ng kwarto ko para mag sipilyo at mag hilamos. Pagkatapos, bumababa na ako para mag almusal. Walang pasok ngayon kase linggo kaya diko kailangan mag madali.

"Oh good morning princess, kain kana"-Mom, princess ang tawag nila ni daddy sakin, at prince naman kay kuya, ewan ko ba sa kanila ni daddy, masyado silang immature, opss wag kayong maingay, hihi.

"Asan si daddy mom?"-ako

"Maaga siyang umalis, marami daw siyang aasikasuhin eh"-Mom

"Ah ganun ba"- sabi ko, umupo na ako, kaso bigla kong natabig yung baso, nahulog ito at nabasag. Bigla nanaman akong kinabahan hindi ko alam kung bakit.

"Ay di kasi nag iingat eh"-mom

"Sorry po nasagi ko lang"-ako

"Manang!!"-mom

"Ano po yun mam?"Manang

"Pakilinis ng nabasag na baso"Mom.
Di parin naalis yung kaba sa dibdib ko.

*Rinnggg Rinngg* (Tunog ng tumatawag sa telepono)

Napalingon ako sa telepono, dahil may tumatawag, tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni mommy.

"Ako na princess, kumain ka muna dyan"- mom, hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.

"Hello?.....Ha??....Jusko anong nangyari???....Saang hospital??...Sige pupupunta na kami dyan..." Narining kong sabi ni mommy. Nung binanggit niya ang hospital, mas lalo akong kinabahan. Lumingon sakin si mommy. Yung mata niya, parang malungkot at naaawa. Jusko anong nangyari? Wag naman sana, sana mali ang iniisip ko, lord please wag.

"Ma-mom a-anong nangyari?" nauutal kong sabi.

"Mag gayak ka princess pupunta tayo sa hospital, dun mo nalang malalaman"-Mom, para siyang naiiyak. Umakyat agad ako sa kwarto ko at dali daling naligo at nagbihis, pagkatapos ko. Bumababa na agad ako, nadatnan ko ang mom ko na nasa baba na, at nakagayak na. Pumunta agad kami sa sasakyan at, nag pahatid sa driver namin papuntang hospital, habang palapit kami ng palapit sa hospital lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Andito na kami sa hospital, sinundan ko lang si mommy, at ng makarating kami, nakita ko ang pamilya ni jake, anong ginagawa nila dito? tyaka bat di nila kasama si jake?.

"Hi tita ano pong nangyari? asan po si jake? Bat di siya kasama? Tyaka sino pong andito sa hospital?" Tanong ko kay tita Anna.

"Hija, si jake" kinabahan ako nung makita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya, habang binaggit niya ang pangalang jake.

"Ba-bakit po?" kinakabahan kong tanong.

"Si jake inooperahan siya *sniff*"- sabi ni tita habang umiiyak, biglang tumigil ang mundo ko,

"A-anong pong nangyari?"- tanong ko, feeling ko nanghihina ako.

"Naaksedente siya, habang papunta sa bahay niyo"- sabi naman ni Hazel kapatid ni jake. Bigla akong napaupo sa upuan malapit sa tabi ko at natulala.

May lumabas ng doctor galing sa operating room, bigla akong tumayo at tinanong ko siya.

"Doc kamusta siya? Ok lang ba siya? Ok lang siya diba? Wala namang masamang mangyari"- sabi ko habang nanlulumo, Jusko sana walang masamang nangyari sa kanya.

"Sorry pero ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin para mabuhay siya, pero hindi na niya kinaya, maraming nawalang dugo sa kanya at yun ang ikinamatay niya"- Doc.

Biglang tumigil ang mundo ko sa mga narinig ko, Nag uunahang pumatak ang mga luha galing sa mata ko, Bigla akong tumakbo papasok sa operating room. At nadatnan ko ang isang bangkay na nababalutan ng kumot. Dahan dahan akong lumapit dito, kahit na nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit kong makalakad.

At ng makalapit ako, unti unti kong inalis ang kumot na nakabalot sa kanya, Mas lalo akong nanlumo ng makita ko ang mukha ng taong pinakamamahal ko.

"N-No! *sniff* Hi-hindi totoo to!! Hindi ka patay diba? *sniff*, Bu-bumangon ka nga dy-dyan! *sniff*, diba sa-sabi mo *sniff* hi-hindi mo ako iiwan?, sabi mo ma-mag papakasal pa tayo? *sniff*, sabi mo yun sakin kagabi diba? *sniff* a-ang daya mo naman eh!, bakit ka ng iwan agad! *sniff* hu-huling usap na pala natin kagabi *sniff* - sabi ko habang humihikbi.

"A-ang saya pa nga natin kahapon diba? *sniff* " dagdag ko

"L-love naman *sniff* prank ba to ? hindi to totoo d-diba? *sniff* BUMANGON KA JAN JAKE! ALAM KONG BIRO LANG ITO HINDI KA PATAY!! H-HINDI KA P-PATAY  *hagulgol* You promise!! y-you promise me na hindi mo ako iiwan! l-love p-please! please wake up!" pakikiusap ko sa kanya

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon