Part 1 Pang-Aapi Sa Kanya Ng Mga Kaklase

2.4K 4 4
                                    

May isang batang mahirap . Nag-aaral sya . Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanying pagiging walang imik. Malimit syang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na'y tila ipinagkit. Laging Nakayuko, mailap ang mga mata , sasagot lamang kapag tinatawag ng guro, Halos paanas pa kung magsalita.

Naging mahiyain sya sapagkat maaga niyang natuklasang kakaiba ang kanyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa knya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan . Malimit nila syang tuksuhin sapagkat ang kanyang damit , kahit nga malinis ay halatang luma na , palibhasa'y kupasin at punong-puno ng sulsi. 

Pisikal at emosyonal na kalagayan ng batang babae '

Kapag oras na ng kainan at labasan ng kani-kanilang pagkain , halos ayaw nyang ilitaw ang kanyang baon. Itatago nya sa kandungan ang kanyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig , mabilis upang hnd malaman ng mga kaklase ang kanyang dalang pagkain. Sa sulok  ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadisplay sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase : mansanas,sandwiches, kending my iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.

Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit , tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila'y magtatawanan kapag nkita nilang ang kanyang baon ay isang pirasong tinapay lamang na karaniwa'y walang palaman ,

Kaya lumayo siya sknila. Naging walang kibo . Mapag-isa.

Ang nangyayaring ito ay hnd nmn lingid sa knyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa syang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase , at sya'y magsususmbong. Mapapakagat-labi ang knyang ina , matagal itong hnd makakibo at sabay haplos nito sa knyang buhok at paalong sasabihn sknya ' hayaan mo sila anak , huwag mo silang pansinin , hamo kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama , makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain , mabibili na rin kita ng maraming damit - sabi ng knyang ina '

At lumipas pa ang maraming araw . Ngunit ang ama'y hnd pa rin nkapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay, Ngunit ang bata'y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan nyang makibahagi  sa malaking suliranin ng kanyang pamilya. Natutuhan nyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase . Hndi na sya umuuwing umiiyak . Hnd na sya ngsusumbong sa kanyang ina .

Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng knyang mga kaklase na sya'y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit , di masarap na pagkain , mahirap , Isinalalsak nila sa knyang isipan .

                                                         WAKAS NG PART 1 

ano na kya ang nangyari sa batang babae ?

lalaban na kaya sya o pababayaan nya na tuksuhin nlng sya?

Abangan nyo po sa PART 2 ;)

Thankyou sa ngbasa ng part 1 .

Hope you like it mwaaaaa :*

Readers:

Vote:

Comments:

Fans:

Accepted ko po yan  :) 

Sandaang Damit / 100 Clothes !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon