Paalala: ito ay love story na mukhang masaya at walang magandang ending katulad ng iba.
Nagsimula ito lahat sa isang lalake , oo lalake hindi sa babae siya si Gabe. ”geyb.” ge-eyy-b. “give sa bisaya at gave sa past tense.”
Wala lang gusto ko lang ilagay hindi naman to requirement katulad sa google. Bakit ko sinasabi ang pronouncation? Ga-be kasi ang basa nila sa pangalan ko.
Heto siya kilalanin mo.
Ako si gabe Ignacio, gusto maging inhinyero nangarap pero tamad nakakatawa diba?
Ilang taong gulang na ba ako? Nasa bente na. Naging makabuluhan ang buhay ko simula ng nagkolehiyo ako, dalawang taong nagloko at dumating ang unang pagseseryoso sa kolehiyo at nung may dumating sa buhay ko. May mga barkada rin akong tinatawag na sumusuporta sa kwentong ito marami sila pero mas malapit sakin tong dalawang ito si Freddie na mahilig sa babae pero laging natatawag na friendzoned (diyan ata nakuha pangalang freddie) o hindi kaya minsan dumadating siya sa puntong preemptive supalpal sa babae, marami siyang mahal(oo mahal kagad sa unang tingin at unang usap kaya magingat ka baka makilala mo siya), mabait pero torpe at hindi gaanong makadiskarte, siya ang pinakamatanda samin.
Si jef perpekto kung tignan ko sa aming mga magkakaibigan gwapo matalino nangarap din maging inhinyero, chinito perfect diba? Saan jan? hindi ko rin alam. Wala naman kasing perpektong tao naging sarcastic lang ako hahaha yan kasi ang gusto ng mga babae, kadalasan. May iba pa akong mga kaibigan pero extra na sila sa kwento at syempre meron akong bestfriend aba Oo! Bespren na babae simula highschool galing diba?
Wala kayo niyan siya si Gabriel pang anghel ang pangalan sakto sakanya ang pangalan nya dahil napakabait nitong bestfriend ko na to literal. Kung nababasa mo ito ngayon alam ko wala kang pera kaya hindi ako nangungutang. Isang natural na araw lagi ang pagpasok sa iskwelahan, inuman kapag matapos ang isang sem minsan nga kahit hindi pa tapos, inuman parin. Mahirap maging inhinyero hindi biro akala mo nuong bata ka pa kapag sinabi mo, “Gusto ko pong maging Engineer balang araw!” para kang nagsabi ng dasal na ikamamatay mo kapag lumaki ka na kaya paalala wag babanggitin ng siyam na beses, mukhang madali lang pero ito yung totoo na hindi naituro ng bawat magulang sa kanilang musmos na anak hindi pala madali. Anyway habang nagiging unproductive ang lahat sa akin dito ko nakilala si Chloe oo siya yung babaeng tinutukoy sa kwentong ito iikot lahat ang mundo ko sakanya minsan masaya kadalasan hindi ano ba ang nakita ko sakanya? Oo alam ko, nag-aaral siya at parehas kami ng kurso mataas mangarap maputi matangkad at maikli ang buhok maganda ang labi at tama lang ang katawan pero anong nagustuhan ko sakanya? Hindi ko rin alam at hindi ko rin masagot. Marahil ito yung mga linyang inlove ako sakanya pero di ko alam kung bakit?
Gusto ko siya sa paraang hindi ko alam at maintindihan, tulak lang nararamdaman ang nagsasabi sakin na gusto ko siya dahil nararamdaman kong masaya ako kapag kasama ko siya. (to be continued)