By Michael Juha
getmybox
From the movie, "Dear Dad"
*****************
"Mark!!! Benedict!!! Oh my God! What are you doing???" ang galit na galit na bulyaw ng aking mommy. Naabutan kasi niya kaming dalawa ni Daddy sa kuwarto niya na parang mga inosenteng bata na ginawang trampoline ang kanyang kama.Bigla kaming nahinto ng daddy at nagkatinginan.
"Ano ba ang nangyari sa iyo, Mark!!! Kay tanda-tanda mo na, para ka pa ring paslit? Nakakahiya ka! Kaya pala minsan ay nababasag ang aking mga personal na gamit dito sa kuwarto! Noong isang linggo, naubos ang aking lipstick, ang katulong pa natin ang aking napagbintangan. Kayo pala ang may kagagawan? Anong pinagggagamitan ninyo sa lipstick ko?" Ang sigaw ng mommy na tila lalamunin kaming dalawa ng Daddy sa sobrang galit.
"Si Benedict, nilagyan niya ang mga labi ko," ang sagot ng Daddy.
Na siyang ikinalaki ng mata ni Mommy, "At bakit mo naman iyon ginawa sa Daddy mo, Benedict???"
"Nilagyan din po kasi ng Daddy ang bibig ko, mommy!"
Nang hindi na nakatiis ang mommy sa mga isip-bata naming katuwiran ay dinakma niya ang walis at hinambalos niya kaming dalawa ni Daddy. Dali-dali kaming umeskapo. Ngunit nahuli niya kami. Sabay na piningot niya ang aming mga tainga. Tila umuusok ang mga mata ng Mommy sa galit niya sa amin. Ngunit kami ng Daddy ay nagtatawanan na lang nang makalabas kami sa kuwarto.
Ganyan kami ng Daddy ko. Kapag nasa bahay at lalo na't wala ang mommy, mistula kaming mga bilanggong nakatakas sa kulungan. Parang sabik kami sa kalayaan. But don't get me wrong. Ang Dad ko ay isa sa mga pinamatagumpay na businessmen sa bansa. Marami na siyang natanggap na awards na may kinalaman sa magandang pagmanage ng business. Tinitingala siya at nirerespeto nga mga kauri niya sa kanyang linya.
Marahil ay may "other side" lang talaga ang daddy. Lahat naman kasi tayo ang may ganyan. Or... it could be that Dad just loved me so much that he wanted to go down to my level to connect with me. Ngunit whatever the reason is, mas lalo pa siyang napamahal sa akin at sa aking bunsong kapatid na babae, si Mae.
Subalit kung gaano kakenkoy ang Daddy, kabaligtaran naman ang mommy. Kung ang daddy ay ang pasaway sa aming tahanan, ang mommy naman ay ang disciplinarian. Para silang tubig at langis. O baka tubig at aspalto... Ang Dad ko ang tubig dahil he's very fluid and at times unpredictable samantalang ang Mom ko naman ay ang aspalto, dahil she's very predictable. Ang lahat sa kanya ay nakakahon, may rules, nasa tamang sistema lagi. Kumbaga ay nakanumero ang aming mga kilos.
Ngunit mahal na mahal namin ni Mae silang dalawa. Para sa akin, isang perpektong pamilya kami at wala na kaming mahihiling pa. Pareho silang mapagmahal, ang lahat ng aming hihilingin ay naibibigay, nag-aaral kami sa isang mamahalin at pribadong eskuwelahan.
Malapit na ang pasko noon at school break din namin. Pupunta kami ng daddy ko sa isang mamahaling resort sa Siargao. Matagal na naming pinagplanuhan ang bakasyong iyon. Ang orihinal na plano ay buong pamilya kaming magbabakasyon. Subalit hindi makakasama ang Mommy. May dalawang linggong business trip siya Europe at si Mae naman ay may pasok pa. Kaya walang choice. Kaming dalawa lang ng aking daddy ang pupunta.
May lungkot akong nadarama na hindi kami buong pamilya sa bakasyon naming iyon. Ngunit dahil walang choice, sabi ko sa sairli na i-enjoy na lang ang bakasyon namin ng Daddy. Masaya rin naman kasing kasama ang Daddy. Maliban sa bata pa siya sa edad na 33, parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Wala akong itinatago sa kanya. Mga problema at kagaguhan ko sa school, kahit mga crush ko ay nasasabi ko sa kanya. Kahit iyong pinaka-sensitibo na usapang lalaki na nakakahiyang sabihin kagaya na lang ng attraction sa opposite sex, libog, masturbation, at kung ano ang nararamdaman ng isang lalaki kapag nakikipagtalik siya sa isang babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/163398794-288-k86431e.jpg)