Part 1

0 0 0
                                    

Araw ng lunes kaya naman nagmamadali ng pumasok si Jack sa unibersidad na pinapasukan nito dahil firstday niya rito kailangan hindi siya malate.

Samantala si Zed naman ay pinapanood lamang ang kumakaripas na si Jack at lihim na natatawa.
Nahuli naman ni Luis na pinagtatawanan ni Zed si Jack.
"Kuya!ba't mo pinagtatawanan si Kuya Jack?nagmamadali na nga yung tao".
Nakasimangot na sinasabihan nito si Zed.
"Ts!magsama kayo!"
Isnab nito kay Luis saka nag walk out.
Napatingin naman si Luis ng madilim sa direksyon ni Zed.

Nasa paaralan na si Jack at mukhang pawis na pawis sa pagmamadali dahil 5 mins. Nalang ay magsisimula na ang klase niya.
Pagkapasok niya ng classroom ay nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya.
Marahan naman naupo si Jack sa bandang likod saka tahimik na sumabay sa kanilang sinusulat.
Matapos ang ilang subject ni Jack ay nagpahinga siya sa ilalim ng malaking puno.

Haist..
Bakit ba kasi ako inilipat nila papa dito?!
Pangit naman ng school dito!.
Pagmamaktol ng isip niya.
Maya maya ay may tumatakbong babae papunta sa direksyon niya saka ito nadapa sa harapan niya.
Nagkatinginan sila nang nasa harapan niya ito.
Malakas na sigawan ang nagmula sa likuran ng babae.
Nagsigawan ang grupo ng mga babae.
Madaling itinayo ng babae ang kanyang sarili saka nagpagpag.
Wala man lang itong sinabi saka kumaripas ng takbo.
Sinundan naman ito ng mga babae.
Nalilito namang nakatingin nalang si Jack sa tumatakbong babae.
Huh!
Tingnan mo!pati mga tao dito bastos!
Di man lang makapag sorry!
Grabeh!
Pailing iling ni Jack.
Badtrip na badtrip siya hanggang atapos ang araw na iyon.
Pabagsak na inilapag ni Jack ang bag sa kama niya saka siya nagbihis ng pangbasketball niya.
Pagbaba niya ng bahay ay nakita niya sa may hardin nila ang Kuya Arjay niya.
Tila wala siyang makitang tao nang dirediretso siyang lumabas ng gate.
Nagsalubong naman ang kilay ni Arjay nang hindi man lang nagpaalam sa kanya ang kapatid.
Napailing nalang ito dahil nasanay narin siya noong nasa amerika pa sila.
Si Zed naman ay abala sa kanyang video games sa kanyang kwarto.
Samantalang si Gabby at Luis ay tahimik na nag chess sa may beranda.
"Baka badtrip na naman si Kuya Jack..
Hindi na naman nagpapaalam o nag imbita na mag laro ng basketball".
Pangunguna ni Luis.
"Naku,ewan diyan sa mga yan!may kanya kanyang mundo".
Pagkibitbalikat ni Gabby matapos makapag move.
Napabuntong hininga naman si Luis na tila nag aalala kay Jack.
Ang mga magulang kasi nila ay nasa Amerika.
Hindi sila babalik hanggat hindi sila makapag asawa.
Kaya naman si Arjay na ang nauna sa Pinas at sumunod nalang ang apat nitong mga kapatid.
Labag man sa kalooban ni Jack ay wala siyang magagawa kapag ang ina nila ang mag didisesyon.

Hingal na hingal si Jack sa paglalaro ng basketball mag isa sa kanilang park.
Nang maupo siya sa isang upuan ay muntik na siyang mapatalon nang makita si Zed sa tabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Takang tanong ni Jack rito.
"Gusto ko rin maglaro ng basketball,ayaw mo ba may kasama?"
Seryosong sabi ni Zed.
Kahit kailan parang mysteryoso itong si Zed.
Kaya napatingin nalang si Jack rito na naagaw nito ang bola.
Nang habulin ni Jack si Zed ay dumating narin sina Gabby at Luis.
Nang ilang minuto palang ang laro nila ay dumating rin si Arjay.
"Pwede ba akong sumali?"
Nakangiting tanong nito.
Nagkatinginan ang apat saka ipinasa rito ang bola.

Masaya silang naglaro at nagtatawanan nang agpahinga sila.
Nagkwentuhan sila noong mga bata pa sila.
Tanging ang ina lang nila ang kinatatakutan nila bukod sa kanilang ama.
Lahat kasi ng gusto ng ina nila ay hindi pweding suwayin.
Isang doktor si Arjay samantalang si Zed ay may sariling studio.
Si Jack naman Gabby at Luis ay ang nag aaral pa sa kani kanilang mga kurso.
Kahit nasa iisang paaralan ay madalang lang nagkikita.

"May ikikwento ako sa inyo..isang napakagandang babae na walang modo".
Sabi ni Jack sabay tawa.
Matapos nun ay napanganga siya nang wala man lang sumabay sa kanya.
"Uhm!ganito kasi yun..nadapa siya sa harapan ko kasi medyo nakahiga ako sa ilalim ng malaking puno sa school,tapos..tumayo lang siya na walang nangyari?!ano tingin niya sa katawan ko?lupa?!"
Sobrang inis sa mukha ni Jack.
Kaya naman humagalpak sa tawa ang kanyang mga kapatid.
Dahil sa inis ni Jack isa isang binato niya ang kanyang mga kapatid kaya naman naghahabulan sila.
Ang hindi alam ng magkakapatid na sa isang malaking puno nagtatago ang isang babaeng nagngangalang Alice.
Nakangiti siyang tinitingnan ang magkakapatid.
Paano kung isa sa kanila ang magiging forever ko?
Anong gagawin ko?..
Kinakabahang sabi niya sa sarili.
Paalis na sana siya nang paglingon niya sa kanyang likuran ay ang mukha ni Jack na sobrang lapit na habang hawak ang bola.
Tumagal ang kanilang pagtitinginang iyon hanggan sa lumapit sa kinaroroonan nila ang mga kapatid nito.
Lalong namula si Alice nang bitawan ni Jack ang bola at hawakan siya sa braso.
"Ikaw yung babae na lumapastangan sa pagkalalaki ko!"
Matapang na sabi ni Jack rito.
Taka naman tiningnan ni Alice si Jack.
"Anong pinagsasabi mo?!"
Takot na tanong nito saka pilit binabawi ang braso mula kay Jack.
"Hindi mo ba naalala?!o gusto mong ipaalala ko sayo!"
Masungit na sabi ni Jack saka hinila si Alice sa may court.
Napasigaw naman si Alice saka nagpumiglas na makawala kay Jack.
Habang kinaladkad niya si Alice ay pinigilan siya ni Arjay.
"Tama na Jack!babae ang kaaway mo!hindi lalaki!".
Pigil niya rito.
Napatigil naman si Jack sa pagkaladkad kay Alice at humarap kay Arjay.
"Babae?!huh!nung binastos niya ako hindi niya inisip na tao rin ako?!"
Sarkastikong sabi nito.
"Ano bang kasalanan ko sayo?!"
Sigaw ni Alice habang hawak ang masakit na braso.
"Wag ka nang mag maang maangan!sorry lang di mo pa magawa!"
Galit na sigaw nito kay Alice.
Napanga nga naman si Alice nang maalala ang nangyari sa kanya sa school nila.
Napahagalpak siya ng tawa.
Mas lalong namula sa inis si Jack at muntik na niyang sakmalin si Alice ngunit hinarangan siya ng mga kapatid niya.

Oh my GGGGGG!!!!!
Alice?!!!
Takboooooo!!
Hahahahhaaaaah!!
So exciting tong kwentong to!
🤔
Please vote and comment below :)

Me And HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon