Virginia POV
Alam kong mali itong nararamdaman ko...
Mahal ko siya..
Pero gusto ko din siya lagi makita at makasama
Gulong gulo na ako, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..
'Sana dalawa nalang ang puso ko, mahal ko kayo parehas, gulong gulo na ako, goodnight'
Yan ang huling text ko sakaniya,
Kay Darren, ang katrabaho ko, ang taong gumugulo sa utak at puso ko...
Pagmamahal ba talaga ito?
Kinabukasan nakatangap ako nang text mula sa boyfriend kong si Fredrerick
'Nasa mall ako kasama ang tropa pumunta ka dito'
Recently malamig na ang pakikitungo nito sa akin, at recently madalas siya magselos lalong lalo na kapag si Darren ang pinaguusapan
'Sige' yan nalang ang inireply ko sa kaniya
Ngbihis lang ako at ngpatungo na sa mall kung saan sila nghihintay, makarating dito tinext ko na si Fred para malaman kung nasaan sila at ngreply naman ito na nasa arcade sila, sumunod naman ako agad
Pagkatapos makita sila, sinalubong ako ng kuya kuyahan kong si Med at hinintay namin na matapos sila sa paglalaro.
Makatapos nang 30mins natapos sila at umupo nalang kame sa may stage nang mall, nakita ko na nglalaro si Fred sa kaniyang cellphone at dahil na intriga ako sa laro niya tinanung ko kung pwede ko i-try, pumayag naman ito, kaya pinatong ko ang cellphone ko sa hita ko, nung absorb na absorb ako sa paglalaro bigla niya naman hinablot ang cellphone ko, kaya naman sinubukan ko ito bawiin ngunit masyado siya matankad para sa akin kaya hindi ko makuha kuha,
Tumakbo na siya papalayo sa amin at hindi ko na siya muling nahanap
"Nakakainis ehhh! akala mo laging niloloko!" nasabi ko nalang out of frustration
Dinaial ko ang number ko gamit ang phone niya para makausap siya at bumalik na sa amin pero nung sinagot ito sarcastico ang toni ng boses niya...
Pero hindi ko tinigilan ang pgtawag sa kaniya at makalipas ng 10mins at after nang isang damakmak na miss calls bigla siya sumating galit na galit at hinagis ang phone ko sa loob ng bag ko
"Mag sama kayo ng Yats mo!" sigaw niya sabay walk out
Sinundan ko to at kasunud namin yung 3 niyang tropa kung saan isa sa kanila ay ang kuya kuyahan kong si Med na siyang dahilan kung bakit kame ngkakilala
Mukha kameng tanga sa mall na nghahabulan at ng sisigawan...
Pero wala akong pakielam if husgaan at pagtinginan pa kame ng mga tao
"Fred! makinig ka muna!" sigaw ko dito pero tila ayaw niya talaga ako pakingan
Makarating namin sa parking lot umuna na yung tropa niyang baboy sa kotse niyang luma at binuksan ito, sumakay ng tropa niya matanda sa shotgun seat at si Fred sa likod, ngdadalwang isip pa sana si kuya Med kung sasakay oh hindi kaso nadala siya sa pag didilat ni Fred kaya sumakay ito, humarang ako sa dadaaanan ng kotse pero kahit anung pigil ko wala
Kinuha ko ang bag ko sa gilid at tumakbo na para habulin ang kotse kahit alam kong wala akong laban
Pero nabuhayan ang loob ko nang makita ito huminto
Akala ko kakausapin na talaga ako ni Fred kaya tumakbo na ako papatawid nang hindi manlan tumitingin kung may paparating ba na sasakyan...
Isang bagay na pwedeng tawagin katangahan,
Nakaramdam ako nang sakit sa kanang bahagi nang katawan ko, alam kong napahiga ako sa semento dahil ang paningin ko sa paligid ko at naka side, nakaramdam din ako nang sakit sa ulo ko
Ang huli kong nakita bgo ako tuluyan mawalan nang malay ay ang boyfriend ko at mga kaibigan niya na tumatakbo papunta sa akin na halatang nang gigilid na ang mga luha
At lahat nang ito ay naging blured hangang sa wala na ako makita...
Sa mga oras na yun ng rewind lahat nang pinangsamahan namin ni Fred... lahat nang alaala na kasama siya, lahat nang away at saya na naranasan namin sa pitong taon pagsasama..
Lahat yun bumalik...
Pati na din ang sakit na naramdaman ko nang ipagtabuyan niya ako kanina sa mall...
Kung nakinig ka lang sana,
Sana nalaman mo na ikaw ang pinili ko, dahil ikaw ang mas matimbang sa inyong dalawa,
Pero hindi ko na alam kung masasabi ko pa yun sayo.
BINABASA MO ANG
Love Lost
Teen FictionA lost love can really be found again? How can you love someone you forgot all about?how can you love him if you love someone else while in the process of remembering? Can you really remember someone you don't want to remember anymore? How?