Sentence no. 2 - Duet

3 0 0
                                    

🌙Carmella🌙

Pumasok na kami sa classroom namin at hindi na pinansin ang mga matang nakamasid sa amin.

Umupo na kami sa may harap, ay mali ako lang pala yun.

Si Alyexa doon siya sa may bintana banda kunyari nagbabasa pero natutulog at si Miya ayun nasalikod nakikipagusap sa mga lalaki at mukhang madami na siyang friends, nabangit ko ba na may nanliligaw na agad sa kaniya?

Ako? Ito nandito sa gitna nagd-drawing sa sketchpad ko, mahilig kasi ako gumuhit para sa akin mas masaya ang paggawa ng mga malilikhaing gawain.

Pumasok na ang guro namin kaya sinantabi ko na ang sketchbook ko at nakinig na sa tinuturo niya.

"Alyexa!"Sigaw ni sir kaya napatingin kaming lahat kay Alyexa na natutulog parin.

"Alyexa."Rinig kong tawag ng katabi niya na babae, petite yung babae kaya ang cute niyang tignan at mukhang magkaibigan sila ni Alyexa.

Nagangat ng tingin si Alyexa at dumapo ang paningin niya sa board kung saan nakasulat ang equation na pinapaliwanag si sir.

"Your equation is wrong, it should be x=23. You missed calculated it and the structure is wrong."Comment niya bago natulog ulit.

Nagkibitbalikat nalang ako...

-Lunch-

*ting*

from: Miya

Carmella hindi ako makakasabay, kasama ko sila Denise at Wendy.

from: Alyexa

Nandito ako sa dorm kung may kailangan ka, natutulog ako kaya kung hindi importante don't bother me.

Binulsa ko na ang phone ko at napabuntonghinga na lang.

Sanay na akong ganito, lagi naman eh kahit dati sa school namin ganito.

Umakyat ako sa rooftop at doon kinain ang pinrepare kong pagkain kanina.

Pagbukas ko ng pinto ay binati ako ng preskong hangin at narinig ko ang pagstrum ng gitara.

"Written in these walls are the stories that I can't explain." Kanta niya.

Ang lamig ng bosses niya...

Ah! I love this song, seryoso kahit disband na sila and such gustong-gusto ko ang mga kanta nila!

Umupo ako sa isang sulok at nakinig habang kumakain, mukhang ang kumakanta at tumutugtog ay nandoon sa kabilang dulo...

Pinakinggan ko lang siya pero parang may sariling pagiisip ang mga labi ko at biglang sumabay sa kanta.

"And I'll be gone gone tonight the ground beneath my feet is open wide. The way that I've been holdin' on too tight with nothing in between." Sabay ko, sa una natigilan siya pero pinagpatuloy niya parin.

"The story of my life I'll take her home I drive all night to keep her warm and time..."

"Is frozen"

Kumanta lang kami hanggang sa matapos...

Naramdaman ko ang paggalawa niya at nakarinig ako ng footsteps palapit sa direction ko.

Agad akong sumubo ng pagkain, hayst kailangan ko itong maubos.

Biglang may nagring at sa palagay ko phone niya yun.

"Hello, kuya..."Sabi niya.

Saktong nagring na ang bell kaya agad akong naglinis at hindi na nagdalawang isip na bumaba na ng rooftop.

Hayst, sana makilala ko siya...

Parang nakaimprinta na sa puso at isipan ko ang bosses niya kaya alam ko sa sarili ko na marinig ko lang ang bosses niya ay makikilala ko siya...





The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon