Epilogue

2K 196 20
                                    

Herro's Note:

Hindi ko inaasahan na nasali ito sa WattysPH2018 Shortlist. Maraming salamat sa lahat! It's not perfect, I know. I'm not an erotic writer; that's why I've been struggling to write the bed scenes. Haha. Maraming errors, typological at grammatical man. Nagpapasalamat po ako na binasa ninyo ito. I'm writing to satisfy and to release myself from my What Ifs. Again, thank you so much! The story will end here. Sana may natutunan kayong leksyon sa kwentong ito. Palagi ho tayong magdasal—1 Thess: 5:17 "Pray without ceasing."

______

Fallen angels can't be redeemed. They chose their path.
Now... choose yours, mortal.

See you when I see you.

Vale mea,
Herroivaz

*************

EPILOGUE

Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid ng taong nag-aagaw buhay. Saksi ako sa kaniyang karanasan at ginawa ko ang lahat para gabayan siya. Ngayon ang kaniyang huling araw at huling hininga sa mundong ito.

Walang tigil sa pag-iyak ang mga taong nagmamahal sa kaniya. Pinapalibutan siya sa kama ng kaniyang mga anak. Narito rin ang kaniyang mga kamag-anak at maliliit na mga apo.

Hindi na ito bago sa akin. Kakambal ng buhay ang kamatayan. Kakambal ng kabutihan ang kasamaan. Narinig ko ang bungisngis ng alagad ni Satanas.

"Uy, anghel. Sa tingin mo ba ay sa inyo siya pupunta sa araw ng paghuhukom?" aniya bago ngumisi, tila nangaasar.

Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon ko na rin siyang kasama, pero ni minsan ay hindi ako nakipag-usap sa kaniya. Mahigpit iyong pinagbabawal. Mananagot ako kay Archangel Rimmon.

Bigla na lang nagpakita si Jeremiel sa kanang gawi ko. Yumuko siya sa 'kin at may binulong bago tuluyang umalis. Bagsak ang aking balikat nang marinig ang balita. May panibago na namang pinanganak na Cambion sa kabilang mundo. Sa lahat ng pwedeng gumabay sa cambion na iyon, ako ang inatasan.

Ilang sandali pa ay tuluyan na bumangon ang kaniyang kaluluwa sa katawan. Nanumbalik ang mukha niya noong kabataan. Nagtataka siyang bumaling sa 'kin.

Isa siyang mabuting tao ngunit hindi mapagkakaila na maraming satanas ang namumuhay sa mundo. Minsan siyang nagkasala sa kaniyang asawa at inakap niya ang tukso.

Sa oras ng paghuhukom, sana'y makayanan niya ang parusang naghihintay sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at iginaya siya sa puting ilaw. Wala sa huwisyong sinundan niya iyon. Ito ang magsisilbing gabay niya sa madilim na daang tatahakin, sa bawat parusang nakalaan para sa kanya.

Marami sa mga tao ang namumuhay na tila kinalimutan na ang Diyos. Nagkakasala ang mga mata nila sa hubad na katawan, sinasamba nila ang mga makapangyarihang tao sa mundo. Iilan na lamang ang hindi lumabag sa sampung utos ng Diyos. Sana'y humingi sila ng tawad bago magunaw ang mundo.

"Anghel, paano ba 'yan?" sumulyap ako sa kaniya. Nariyan na naman ang nangaasar niyang ngiti. "Mamimiss ko ang nakakasilaw mong pakpak."

Sandali akong tumingin sa kaniya bago ginalaw ang aking pakpak at tuluyang umalis. Mabilis akong nakarating sa ulap. Sumulyap ako sa eroplano na paparating. Batid kong maraming anghel sa loob na ginagabayan ang mga tao.

Unti-unting naging bilog ang ulap hanggang umitim iyon. Ito na ang daan papunta sa ibang mundo, sa mundo ng mga demonyo... ang impyerno.

Mabilis akong pumasok sa loob sabay bumalot sa 'kin ang puting hawla. Ito ang proteksyon naming mga anghel sa tuwing narito kami.

CAMBION (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon