Chapter 19

694 11 0
                                    

Chapter 19:
Knight in Shining Armour

Stephanie's Point of View

"May sasabihin ka pa?

"Wala na."

Inirapan ko siya at bumalik na ulit ako sa kwarto.

Habang nagsasalita si Kyzer kanina, nakita ko talaga sa mukha niya ang bahid ng pagsisisi.

Well, para sa akin, hindi pa talaga sapat ang effort niya.

Hindi niyo naman ako masisisi kasi kung kayo ang nasa posisyon ko, papatawarin niyo ba agad ang tao na sumira ng gamit na pinaka importante sa 'yo? HINDI!

"Stephanie! Kain na tayo." Tawag ni Kath.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina.

Nasa kusina na ako at kasalukuyan na kaming kumakain ni Kath.

"Alam mo bang halos maiyak na si Kyzer kanina?"

"I don't care."

"Ganyan ba talaga ka importante ang damit na yun sa 'yo?"

"Oo. Mas importante pa sa buhay ni Kyzer."

"Stephanie naman! Damit lang yun!"

"Pero hindi basta damit lang! Hindi mo ako naiintindihan kasi hindi mo pa naranasan ang sitwasyon ko!"

"Okay, relax. Ayokong mag-away tayo."

"Intindihin mo nalang ako please."

Kumain na ulit kami.

Kyzer's Point of View

Habang naglalakad kami ni Skyler, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maluha.

Napansin pala ito ni Skyler.

"Umiiyak ka?"

Agad kong pinahiran ang luha ko.

"Huh? H-hindi ah!"

"Hmm, okay."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Bakit ko ba iniiyakan ang babaeng yun?

Pagkarating namin sa bahay, umupo agad ako sa sofa.

Shit! Bakit sa bawat pag-iwas ni Stephanie sa akin, nasasaktan ako?

Dahil sa pagod ko, humiga na ako sa sofa at nakatulog na.

Stephanie's Point of View

Nandito na kami ni Kathleen sa sala, nagkwe-kwentohan.

"Hmm, Kath. May tanong ako sa 'yo."

"Ano yun?"

"What if handa ka ng umibig ulit. Mamahalin mo ba si Skyler?"

"Hmm.. Dipende."

"Dipende?"

"Oo. Kung mahuhulog ako sa kanya, mamahalin ko siya. Pero kung hindi, mamahalin ko pa rin siya."

"Huh?"

"As a friend."

"Ahh, matulog na nga tayo."

"Heheh! Sige. Goodnight Stephanie."

"Goodnight Kath."

Pumasok na kami sa aming mga kwarto.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sinag ng araw.

Isla Alona✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon