Chapter 41

1.2K 15 0
                                    

Chapter 41:
My Hero

Stella's Point of View

Nasa sasakyan na kami ngayon, papunta na sa lugar ni Richard.

"Stella, maaari mo bang isalaysay sa amin ang mga nangyari noong nalaman ni Richard na espiya ka?"

"Sige..."

Flashback...

"Love, magpapahangin muna ako ha." Paalam ko kay Richard.

"Sige love."

Hindi na ako sumagot at naglakad na ako palabas.

Agad kong sinagot ang tawag sa cellphone ko.

"Nasa sa akin na po ang ebidensya sir. Nasa SD card ko na po ang mga files."

"Good! Agent Fernandez. Kailan ka aalis diyan?"

"Bukas na agad sir."

"Okay. See you soon Agent Fernandez."

"See you soon sir." Wika ko saka pinutol na ang linya.

Papasok na sana ako sa loob pero nakita ko si Richard na nakatayo sa pinto dahilan para mabigla ako.

"L-love? K-kanina ka pa d-diyan?"

"Kanina pa. At narinig ko ang lahat, Agent Fernandez."

Shit! Eto na ang kinakatakutan ko!

Agad niyang itinutok sa akin ang kanyang baril.

Kaya agad kong kinuha ang aking baril at itinutok ko rin sa kanya.

"Traydor ka love!"

"Sorry, trabaho lang, love."

"Hinding-hindi kita mapapatawad! Niloko mo ako, niloko mo kami!! Binigay ko sa 'yo ang lahat!"

"Walang silbi ang mga binigay mo Richard!"

"Ibig sabihin, walang silbi sa 'yo ang pagmamahal ko?"

"Wala."

Bigla siyang sumigaw at ipinutok niya ang kanyang baril.

Mabuti nalang at agad ko iyong nailagan.

Tumakbo ako sa kakahoyan at agad na nagtago.

Narinig ko ang mga yapak ng mga ni Richard at ang taohan niya dahil sa mga makapal na damo.

Mabuti nalang, gabi na kaya madilim. Hindi nila agad ako makikita.

Pero mayamaya, may biglang humawak sa braso ko.

"Boss! Hawak ko na siya!" Wika niya.

Sinipa ko ang pribadong parte niya dahilan para makawala ako sa pagkakahawak niya.

Tumakbo ako paalis nang biglang may pumutok na baril at may lumabas na dugo sa aking bibig at nawalan ako ng malay.

Nagising ako na nasa isang kwarto na ako ng isang mansyon.

May pumasok na isang lalaki. Siya ay si William Rivera na dati ay isang miyembro ng SWAT bago siya pumasok sa politika.

Sa kanya ko ibinigay ang SD card dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya.

End of flashback...

"Maraming salamat kay Congressman Rivera. Dahil sa kanya, buhay pa ako ngayon. Nandito na tayo, ihanda niyo na ang inyong sarili sa isang madugong labanan. Kathleen, tayong dalawa ang lalaban kay Richard, at itong mga dalawang lalaki, alam kong hindi pa kayo lumalaban gamit ang baril, kayo ang maghahanap kay Stephanie, ang kapatid ko. Tayo na." Wika ko saka lumabas na kami sa sasakyan.

Isla Alona✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon