Chapter 38

578 12 0
                                    

Chapter 38:
Huli ka

Stephanie's Point of View

"Ayusin mo Stephanie! May mga dumi pa oh!" Pagalit na wika ni Minerva.

Yes, isa na akong maid ngayon.

At kasalukuyan akong naglilinis ng sahig.

"Poor Stephanie, ang dating mayabang, isa na ngayong slave. HAHAHA!!" Wika ng isang pamilyar na boses ng isang babae.

Hindi ko na kailangang tumingala para makita ang mukha ng nagsalita. Kasi boses pa lang, kilala ko na.

"Umalis ka dito Monica, kung ayaw mong mabuhusan ng maruming tubig na nasa balde."

"At sa tingin mo, natatakot ako? Tss! You wish!"

"Ah, okay. Excuse me." Wika ko saka tumayo.

"At ako pa ang magbibigay ng daan? No! Ikaw ang mag adjust!"

Binangga ko siya dahilan para matapon ang tubig na nasa balde at nabasa ang damit niya.

Well, bagay lang 'yan sa kanya.

"What the hell!!! You ruined my dress!! How dare you!"

"I told you na tumabi but hindi ka sumunod, hindi ko kasalanan na nabasa ang damit mo."

"Ahh! Talaga lang ha!"

Kinaladkad niya ako papunta sa CR at inilublub sa inidoro.

"Ayan! Ano! Masarap ba Stephanie!!! Ha!!! Pinapagigil mo ako!!! Mamatay ka na sana!!!!"

"Monica!! Tigilan mo 'yan!"

"What if I don't want to?"

Tinulak ni Kyzer si Monica dahilan para matumba siya. Kinuha niya ako at niyakap.

"Okay ka lang?"

"Okay lang, salamat."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Sa susunod na ginaganito mo pa si Stephanie, ilulublob na kita dito sa inidoro!"

"Kyzer! I'm sorry!! Siya naman kasi eh!! She ruined my dress!!!"

"Hindi yan rason para ilublob mo siya sa toilet!!"

"I'm sorry Kyzer!! I'm sorry!"

"Umayos ka Monica!"

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming umalis.

Hinatid niya ako sa aking kwarto.

Nasa loob kaming dalawa ng kwarto ko.

Awkward!!!

"S-salamat Kyzer."

"Wala 'yun."

"Puntahan mo na 'yong fiancée mo. Sigurado akong umiiyak na 'yun ngayon."

Bumuntong hininga siya.

"Stephanie."

"Hmm?"

"Pwede ba tayong mag-usap sa talon mamaya?"

"Bakit?"

"May sasabihin ako na kailangan mong malaman."

"Sige."

"Mamayang hapon. Maghihintay ako. See you later, Stephanie, mahal."

Lumabas siya at sinarado ang pinto.

Haaayy! Ano na naman ba ang sasabihin niya?

Richard's Point of View

Isla Alona✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon